News Update
Maralita sa Maynila kikilos para sa katotohanan
Isang People’s Caravan ang gaganapin sa Tondo, Maynila mula Abril 25 hanggang 30 para pag-ibayuhin ang panawagan ng mga maralita para sa katotohan, katarungan at pagbabago.
Lalahok sa nasabing pagkilos ang mga grupong Tondo Foreshore Land People’s Alliance, Parola People’s Council, Alyansa ng Maralita sa Metro Manila at Sto. Niño de Tondo Parish.
Ilulunsad ang Mass for Truth and Change o misa para sa pagkakaisa at Aralang Bayan o mga diskusyon hinggil sa napapanahong mga isyu. Magkakaroon din ng mga pagsasanay sa larangang biswal, multi-media, at pagtatanghal.
Maglulunsad ang grupong Youth Revolt ng mga aktibidad sa hanay ng mga kabataan. Itatayo ang Bata Batuta Tent na pagdarausan ng mga workshop para sa mga bata, sa pangunguna ng Children’s Network Against Corruption and Deceit.
Gaganapin sa Caloocan-Malabon-Novaliches-Valenzuela o Camanava mula Mayo 3 hanggang 12 ang ikalawang ekspediyon ng People’s Caravan. Magkakaroon din ng katulad na mga ekspedisyon sa mga Lungsod ng Quezon, Pasig, Parañaque, Taguig at Muntinlupa.
RSS