News Update

Otso Oras: tatlong dula sa buhay manggagawa

in

Sa loob ng otso oras sa loob ng pabrika, pagawaan o opisina, ano’ng tumatakbo sa isip at damdamin ng isang ordinaryong manggagawa? Ano ang kanyang simpleng mga pangarap at adhikain para sa kanyang pamilya at lipunan? Paano niya ito binabaka sa araw-araw? Ano ang kanyang kuwento? Gaano kahalaga ang kanyang papel sa lipunan?

Ngayong nalalapit na Mayo Uno, Araw ng Paggawa, inihahandog ng Karatula (Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan), isang pambansa demokratikong organisasyon ng mga kabataang artista at manggagawang pangkultura mula sa mga paaralan, pamantasan at komunidad ang isang panteatrong produksiyon na sasalamin sa buhay ng mga manggagawa at sasagot sa ating mga tanong. Ito rin ang paraan ng pakikiisa ng mga kabataang artista sa panawagan ngayon ng mga manggagawang Pilipino sa P125 pagtaas ng sahod, across the board, nationwide.

Tampok sa produksiyon ang tatlong dula na may tig-isang yugto: ang Sapatos sa panulat at direksiyon ni Donna Dacuno at Bonifacio Ilagan na halaw sa maikling kuwentong Bakya (1920) ni Hernando Ocampo. Tungkol ito sa kalagayan ng isang may-bahay na naiwan ng kanyang asawang lider ng isang unyon dahil namatay ang huli sa dispersal ng piket sa pabrika. Sunod ay ang Tatlo-Tatlo, dula ukol sa tatlong matandang dalagang mananahi sa pabrika ng bra, sa panulat ni Rene Villanueva at direksiyon ni Carlo Pulido. At panghuli ay ang Masaker sa Araw ng Paggawa (1971), sabayang pagbigkas ukol sa karahasan ng estado sa mga manggagawa na halaw sa tunay at makasaysayang mga pangyayari sa bansa, sa panulat ni Bonifacio Ilagan at Amado V. Hernandez, at koreograpiya ni Edward Perez.

Mapapanood nang libre ang buong produksiyon sa iba’t ibang komunidad na posibleng maabot ng grupo. Ang unang mga pagtatanghal ay masasaksihan sa sumusunod na mga petsa at lugar:

Abril 29 - Krus Na Ligas Covered Court, Quezon City, ika -7 ng gabi
Mayo 1 – Ilang bahagi ng sabayang bigkas sa Liwasang Bonifacio, ika-1 ng hapon
Mayo 4 - Catmon Basketball Court, Malabon, ika-7 ng gabi
Mayo 10 – Payatas, Quezon City, ika-7 ng gabi

Plano rin ng grupo na makapagtanghal sa iba pang mga komunidad sa Payatas at Cabuyao, Laguna. Para sa nagnanais at interesado na mapanood ang mga dula sa kani-kanilang komunidad o mag-abot ng kahit anong tulong para sa produksiyon, maaaring kontakin ang Karatula sa numerong 494-9370 o si Lori sa numerong 09053249859.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options