News Update

Kababaihan nagprotesta vs pagtaas ng presyo, nanawagan ng dagdag-sahod sa obrero

in
Jan Marcel Ragaza

NAGSAGAWA ng kilos protesta ang mahigit 100 ina sa ilalim ng Gabriela upang ipanawagan ang pagkontrol sa presyo ng mga batayang bilihin atang pagtaas sa sahod ng P125 across the board.

”Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin habang papaliit ang oportunidad sa kabuhayan at ang sahod ay nakapako sa di nakabubuhay na antas, nakararanas ang pamilya namin ng walang kapantay na kagutuman at kahirapan,” ayon kay Nerisa Guerero, tagapagsalita ng Gabriela.

Kinodena rin ng Gabriela at ng Samakana (Samahan ng Maralitang Kababaihang Nagkakaisa) ang “rice access cards” na tugon ni Pangulong Arroyo sa mahahang pila sa bentahan ng mga NFA rice dulot ng krisis sa bigas.

Sa tapat pa lamang ng United Church of Manila kung saan nagtipon ang mga demonstrador, hinarang na sila ng mahigit 30 pulis mula sa Manila Police District at pinigalan silang makapunta sa Mendiola kung saan binalak ng mga kababaihan na isagawa ang kanilang programa.

Kaalinsabay ng kilos protesta sa Recto, nagmartsa rin ang iba’t ibang sangay ng Gabriela sa Baguio-Cordillera, Bicol, Cebu City, Negros Occidental, Iloilo City, Davao City, Butuan City at General Santos City.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options