News Update

Pagpatay sa dating hepe ng pulis sa Legazpi, inako ng NPA

in

Noel Sales Barcelona

INAKO ng NPA (New People’s Army) ang pagpatay kay dating P/Supt. Narciso Guarin, dating hepe ng pulisya ng Legazpi bilang parusa para sa kanyang diumano’y mga kasalanan laban sa sambayanan.

Ayon kay Greg Bañares, tagapagsalita ng NPA-Bicol, maraming kasalanan si Guarin, hindi lamang sa mga mamamayan ng Bicol, kundi maging sa rebolusyonaryong kilusan.

Tinambangan ng mga operatiba ng NPA si Guarin nang papasakay ito sa kanyang sasakyan para magpunta sa tanggapan nito sa loob ng Kampo Heneral Simeon Ola.

Dahil sa pagkakapaslang kay Guarin, inalerto ni PNP Chief Gen. Avelino Razon ang lahat ng tauhan nito na mag-ingat sa mga pagsalakay ng NPA.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options