News Update

Lupa sa Calatagan, ipamahagi – KMP

in

Soliman A. Santos

NAGPROTESTA sa harap ng DENR (Department of Natural Resources) noong Mayo 3, ang KMP (Kilusang Magbubukid ng Pilipinas) at UMA (Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura) kasama ng mga organisasyon ng manggagawang-bukid sa Batangas dahil sa hindi pagpapatupad ng 20 taong gulang na desisyon ng Korte Suprema, na nag-uutos sa DENR na ipamahagi ang 2,000 ektrayang lupain ni Jaime Zobel de Ayala sa mga magsasaka sa naturang lugar.

Ayon kay Antonio Flores, awditor ng KMP, napakabalintuna na nangyari ito sa 20 taong implementasyon ng Carp (Comprehensive Agrarian Reform Program), na ngayo’y plano pang palawigin ng administrasyong Arroyo.

“Isang bagay lang ang malinaw. Kapag pinalawig pa ang Carp, siguradong magiging mahirap ang laban ng mga magsasaka sa Calatagan para sa kanilang lupa. Ito’y dahil nagagamit ng mga asendero ang Carp para makontrol ang lupa,” ani Flores.

Binatikos ng grupo ang DENR dahil sa pananahimik nito kaugnay ng naturang isyu. Umano’y inisenyunan ng korte sa bisa ng Carp na ipamahagi ang lupa noong Marso 1988 subalit hindi pa rin ito naipapatupad.

Samantala, suportado naman ng mga magsasaka ang House Bill 3059 o ang Genuine Agrarian Reform Bill na nakasampa ngayon sa Kamara.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options