News Update

GMA takot masilip ang panunuhol ng Hanjin?

in

Ilang-Ilang Quijano

TAKOT ang Malakanyang sa imbestigasyon sa diumano’y panunuhol ng Hanjin Heavy Industries Inc., ayon kay Sen. Panfilo Lacson.

Ito ay matapos magbabala si Executive Secretary Eduardo Ermita na maaaring matakot ang Hanjin at iba pang dayuhang mga mamumuhunan kung uusisain ng Senado ang balitang panunuhol na diumano’y nasa likod ng pagsuspindi ng kompanya sa konstruksiyon ng shipyard sa Misamis Oriental.

Inihayag kamakailan ni Alkalde Paulino Emano ng Tagaloan na inalok siya ng nasabing kompanya ng P400 Milyon para ipagpatuloy ang pagtatayo ng $2 Bilyong shipyard.

Ipinatigil ito ni Emano dahil hindi umano nakakuha ang kompanya ng environmental clearance certificate.

Sinabi ni Lacson na maaaring “nakinabang” ang Malakanyang sa pakikipagkasundo sa Hanjin.

Nababahala naman si Sen. Pia Cayetano sa rekord ng kompanya sa paglabag sa mga batas pangkalikasan. Iimbestigahan ng Senado ang pagtatayo ng Hanjin ng condominium sa gitna ng protektadong kagubatan ng Subic.

“Ito palang dayuhang korporasyon na pumupunta sa ating bansa para magnegosyo, tinatanggap naman natin ng bukas-palad, pero lumalabag sa ating environmental laws,” aniya.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options