News Update

Desisyon sa taas-sahod, Mayo 15 pa

in

Noel Sales Barcelona

MALALAMAN ng mga obrero kung magkano ang madaragdag sa kanilang mga sahod sa Mayo 15.

Sa lingguhang pulong balitaan sa Sulô Hotel kamakailan, sinabi ni Ciriaco Lagunza III, punong ehekutibo ng National Wages and Productivity Commission, na sa Mayo 14 ang pormal na pagdinig sa mga petisyon para sa taas-sahod. Maaari umanong mailabas ang desisyon sa susunod na araw.

Aniya, nagkasundo ang lahat ng mga Regional Tripartite Wages and Productivity Board na may “supervening condition” o matinding kondisyong papabor para sa taas-sahod. Pero umano’y matatagalan pa ang ilang rehiyon na magtakda nito dahil kakalabas lamang nila ng Wage Order noong Pebrero.

Samantala, nagbabala ang KMU (Kilusang Mayo Uno) na maaaring dumulo sa alsang bayan ang patuloy na paghadlang ng gobyerno sa pagsasabatas ng P125 taas-sahod na matagal nang nakabinbin sa Kamara.

“Hindi porke’t tapos na ang Mayo 1, tapos na ang paghiling ng mga manggagawa para sa dagdag-sahod,” ani Prestoline Suyat, tagapagsalita ng KMU.

Naunang ipinaabot ng Employers’ Confederation of the Philippines na P10 cost of living allowance o Cola lamang ang makakayanan nilang ibigay sa kanilang mga manggagawa.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options