News Update

100 magsasaka nagprotesta sa DA

in

Soliman A. Santos, Ilang-Ilang Quijano

TINATAYANG 100 magsasaka ang nagprotesta sa harap ng tanggapan ng DA (Department of Agriculture) noong Mayo 6 laban sa umano’y bangkaroteng polisiya ng gobyerno sa bigas.

Ipinakikita ng bigong bidding ng NFA (National Food Authority) sa pag-angkat ng bigas kamakailan na hindi masosolusyonan ang krisis ng liberalisasyon sa agrikultura, ayon kay Antonio Flores, awditor ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

“Ang diin ng DA at gobyernong Arroyo ay panatilihin o palalain ang ekonomiyang export-oriented at import-dependent. Ito ay sa pamamagitan ng pagdagdag sa bigas na inaaangkat, pagpapalit-gamit sa lupa, pribastisasyon ng NFA, kunwaring pagsalakay sa mga hoarder ng bigas at pagpapabaya sa kartel,” sabi pa ni Flores.

Sinisi naman ang DA ni Imelda Lacandazo, tagapagsalita ng Bantay-Bigas (People’s Network for Food Security)-Timog Katagalugan, para sa umano’y kawalang-kakayanan nitong gawing nagsasarili ang industriya ng bigas sa bansa.

Samantala, nadismaya si Sen. Manuel Roxas II sa pagtigil ng Department of Education sa pagbibigay ng libreng bigas sa 20,000 mag-aaral ng elementarya sa Silangang Bisaya.

“Binibigyan ng rice cards ang mahihirap na pamilya sa Metro Manila, pero inaalis ang alokasyon sa bigas na tutulong sana sa pag-aaral ng mga bata sa pinakamahihirap na probinsiya,” aniya.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options