News Update

NBA 2008 Playoffs: Conference finals arangkada na

in

Nagapi ng Boston Celtics at defending champions San Antonio Spurs ang kani-kanilang katunggali sa semifinal round ng 2008 National Basketball Association Playoffs.

Naunang idinispatsa ni Paul Pierce at ng Boston Celtics ang Cleveland Cavaliers. Bagaman kumana ng 45 puntos si LeBron James, kinulang ang kanyang pagpupunyagi kontra sa 41 ni Pierce sa loob ng Garden, homecourt ng Celtics.

Ito ang ikalawang game-7 na dinanas ng Celtics. Umabot rin sa game -7 ang naunang serye nila kontra Atlanta Hawks.

Hinihintay na ng Detroit Pistons ang Boston para sa Eastern Conference Finals, na sisimulan ngayong araw (Martes ng gabi sa US). Hawak ng Celtics ang homecout advantage sa paghaharap ng dalawang top-seed sa komperensiya.

Sa Western Conferece naman, naagaw ng Spurs ang homecourt advantage ng New Orleans Hornets sa isa pang game-7 na serye upang umabante sa Conference finals.

Kakaharapin ng West number 3 Spurs ang top seed na Los Angeles Lakers, na nauna nang pinauwi ang Utah Jazz upang isara ang kanilang serye.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options