News Update
Banal lalaban para sa WBA korona
Nakatakdang lumaban si AJ Banal para sa bakanteng World Boxing Association (WBA) 115-lbs. na korona. Maaaring ganapin ang kanyang laban sa Hulyo 12 o 19.
Ihahatag si Rafael Concepcion ng Panama matapos ang diskusyon sa Golden Boy Promotions (GBP) kung saan under contract din si Banal.
Nasa bentahe si Banal bagaman kapwang may mataas na ranking sa top 10 para sa kanilang timbang. Wala pa siyang nalalasap na pagkatalo, habang may dalawa nang dungis ang karta ni Concepcion.
Maaaring si Banal ang pinakabatang Pinoy na makakuha ng kampeonato kung sakaling makopo niya ang bakanteng korona ng WBA superflyweight.
Si Morris East ang pinakabatang super lightflyweight na nakakuha ng titulo sa edad na 19. Si Ben Villaflor naman ang pinakabatang Pinoy na junior lightweight noong 1972, habang si Manny Pacquiao naman ang sumunod, palapit siya noon sa kanyang ika-20 na kaarawan nang talunin niya si Chatchai Sasakul sa Bangkok noong 1998.
RSS