News Update

Kuripot daw magbigay ng donasyon: Yao niyanig ng lindol ng kritisismo

in

Darius Galang

Umani ng batikos si Yao_ Ming_ ng Tsina matapos nitong magbigay ng tila baryang tulong sa mga biktima ng lindol sa kanyang pinanggalingang bansa.

Nagbigay si Yao ng inisyal na 500,000 Yuan (katumbas ng $70,000), na kung ikukumpara sa ibinigay ng biyuda ni Deng Xiaoping, na nagbigay naman ng kanyang buong naipon sa mga biktima ng trahedya.

Sa isang entertainment website ng nga Tsino, umani rin ng kritisismo ang basketball star, na tila niyanig rin ng ginawang “lindol” ng panunuya ng kanyang mga kababayan dahil sa ibinigay niyang donasyon.

Sinabi nilang barya lang ang ibinigay ni Yao, kumpara sa maaari niyang kitain kahit sa isang promotional shoot lang.

“Kahit $500,000 – at hindi 500,000 Yuan – ang mawala sa kanyang bank account, hindi pa rin niya mapapansin iyon,” ayon sa isang tagahanga.

Hindi ganoon kadali sa mga Tsino na tuligsain ang kanilang mga bayani sa isports – na kadalasa’y tinitingala nila bilang pambansang mga icon.

Kilala ang basketbolistang Tsinong naglalaro sa NBA para sa Houston Rockets sa posisyong sentro sa kanyang gawaing pangkawanggawa, na nakalikom ng mahigit $1-Milyon para sa isang kampanya ng mahihirap na kabataan ng Tsina noong isang taon. Ibinigay rin niya ang kanyang oras at lakas nang itanghal ang 2007 Special Olympics sa Shanghai, ang kanyang hometown.

Bagaman mas marami ang tumuligsa kay Yao, marami rin ang sumang-ayon nang may nagsabing personal na bagay ang pagbibigay ng kontribusyon. Komento ng isang tagahanga: “Magkano man ang ibinigay ni Yao, kanya na lang iyon.”

Noong nakaraang linggo, ibinigay ni Zhuo Lin, ang biyudang edad 92 ng dating lider ng Tsina na si Deng, ang halagang 100,000 Yuan. Bagaman mas kaunti ito sa ibinigay ng basketbolista, ito nama’y ang buong naipon na ni Zhou sa kanyang buhay.

Hindi lang mga donasyon ng prominenteng mga tao at negosyante ang nakakuha ng atensiyon. Isang migranteng manggagawa ang naiulat na nag-ambag ng 600 Yuan, halaga ng kanyang isang-buwang sahod.

Itinaas ni Yao ang kanyang donasyon sa 2,000,000-Yuan matapos ang sanlaksang kritisismo.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options