News Update

Kabataan bumubuwelo kontra-Arroyo

in

Ilang-Ilang Quijano

NAGHAHANDA na ang Anakbayan, progresibong grupo ng mga estudyante, sa mga kilos-protesta na muling hihiling sa pagbibitiw ni Pangulong Arroyo.

Sa nalalapit na pagbubukas ng mga klase, sisingilin ng mga estudyante ang umano’y kainutilan ng Pangulo sa pagsisiguro ng abot-kayang edukasyon.

“Hindi sapat ang P20 dagdag-sahod para makaagapay sa pagtaas ng matrikula at presyo ng batayang mga bilihin,” ani Ken Ramos, tagapagsalita ng Anakbayan.

May 364 eskuwelahan sa buong bansa ang magtataas ng matrikula. Isinisi ito ng grupo sa pagtanggal ni Arroyo sa tuition cap, sa pamamagitan ng Memorandum No. 13 ng Commission on Higher Education.

Magtataas din ng matrikula ang mga state university gaya ng Polytechnic University of the Philippines.

Babala ni Ramos, magiging mga “linya ng protesta” laban sa administrasyon ang mahahabang pila sa enrollment.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options