News Update

Testigo sa ZTE ‘huwag pabayaan’

in

Ilang-Ilang Quijano

MORAL na responsabilidad ng Senado ang mga testigo sa eskandalong NBN-ZTE na sina Rodolfo “Jun” Lozada Jr. at Dante Madriaga, ayon sa mga senador ng oposisyon.

Ito ay matapos kuwestiyunin ni Sen. Juan Ponce Enrile ang umano’y P2 Milyong nagagastos ng Senado sa pangangalaga sa mga testigo.

“Hindi kayang bitiwan at hayaan na lamang [silang] ibilad sa araw,” ani Sen. Francis Escudero.

Pinabulaanan ng senador na sinasagot ng Senado ang mga biyahe ni Lozada sa iba’t ibang bahagi ng bansa para magsalita hinggil sa korupsiyon.

Samantala, nanawala pa rin diumano ang bagong testigo sa NBN-ZTE na itinatago sa pangalang “Alex”, ayon kay Iloilo Rep. Rolex Suplico. Huli umano niyang nakontak ang testigo noong gabi ng Mayo 18.

Nagbigay ang testigo ng mga larawan ng Pangulo at Unang Ginoo na nakikipaglaro ng golf sa mga opisyal ng ZTE noong Nobyembre 2006 sa Shenzhen, Tsina.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options