News Update

Pagtatapon ng basura sa Rizal, inayunan ng gobernador

in

Inayunan ni Gob. Casimiro Ynares III ng Rizal ang kahilingan ng MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) na gamitin ang Rizal Provinicial Sanitary Landfill para tapunan ng basura na magmumula sa mga bayan ng Kamaynilaan.

Bagaman pasó na ang permit na ibinigay ng Sangguniang Panlalawigan sa MMDA, pahihintulutan pa ring magtapon ng basura ang ahensiya hanggang hindi natatapos ang deliberasyon ng Lupon ukol sa kahilingan ni Bayani Fernando para sa tatlong buwang ekstensiyon.

Pinatatakbo ng International SWIMS, Inc., binuksan ang naturang 19 na ektaryang tambakan ng basura para tugunan ang pangangailangan sa mas malaking espasyo nang paglalagakan ng duming nagbubuhat sa lalawigan ng Rizal. Nag-ooperasyon ito noon pang Nobyembre, 2007.

Pinagbigyan ng gobyerno ng Rizal ang MMDA na gamitin ang pasilidad nang anim na buwan dahil sa krisis sa basura ng Metro Manila.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options