News Update
24 taong-simbahan biktima ng paglabag sa karapatang pantao mula 2001
Dalawampu’t apat na taong simbahan ang naging biktima ng paglabag sa karapatang pantao mula nang manungkulan si Pangulong Arroyo, ayon sa grupong Karapatan.
Pinakahuli sa mga ito si Pastor Rodel Canja na dinukot umano at tinortyur ng apat na lalaki sa Tanay, Rizal noon pang Mayo 6.
Dinukot umano at pinahirapan si Canja para aminin nitong komunista si Pastor Berlin Gurrero, na ibinilanggo noong nakaraang taon dahil sa kasong pagpatay. Si Canja ay dating kasamahan ni Berlin sa simbahan.
Sinabi ng Karapatan na karamihan sa mga biktima ay kasapi ng Kapatirang Simbahan para sa Sambayanan or Kasimabayan, Promotion of Church People’s Response at Rural Missionaries of the Philippines.
Inihayag ng Karapatan na tututukan nila ang CBCP para tignan ang naturang pahayag at upang tulungan din silang makipag-ugnayan sa Santo Papa.
RSS