News Update
Pagkain, damit, langis adyenda ng maralita
Lungsod Baguio—Pagkain, damit, matitirhan at pagkontrol sa presyo ng langis ang panungahing hiling ng mga maralita sa Lungsod Baguio sa pagdiriwang ng ika-24 anibersaryo ng Ornus (Organisasyon dagiti Nakurapay nga Umili ti Syudad).
Itinatag ang Ornus noong Mayo 1984 na pinasimulan ng anim na organisasyon ng mga maralita sa apat na komunidad: Quirino Hill, Pinsao Pilot, Poliwes and Holy Ghost Extension. Sa kasalukuyan, nasa 23 organisasyon na ang kasapi ng Ornus.
Sinabi ni Geraldine Cacho, tagapangulong emeritus ng Ornus, na isa sa apat na taga-Baguio ang maituturing na maralita.
Bukod sa kakapusan ng trabaho at kulang na pasuweldo, umaangal din ang mga maralita ukol sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis dahil sila ang direktang naaapektuhan ito.
RSS