News Update

P9-B pondo sa kalamidad saan napunta?

in

PINAIIMBESTIGAHAN ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang P9 Bilyong calamity fund na pinakawalan ni Pangulong Arroyo noong nakaraang taon para sa rehabilitasyon ng rehiyong Bikol na nasalanta ng mga bagyong Milenyo, Paeng, Reming, at Seniang.

Ayon kay Zubiri, na bumisita sa rehiyon kamakailan, patuloy na binabaha ang maraming mga bayan sa Bikol.

Batbat din umano sa mga alegasyon ng anomalya ang paggamit ng pondo para sa pagpapagawa ng mga eskuwelahan at dredging ng mga ilog.

Pinagsusumite ni Sen. Rodolfo Biazon si Kal. Anthony Golez ng National Disaster Coordinating Council ng ulat na magdedetalye sa pinaggastusan ng nasabing pondo.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options