News Update
Garcia kinutya sa Meralco
KINUTYA si Winston Garcia, general manager ng GSIS (Government Service Insurance System), ng mga empleyado ng Meralco (Manila Electric Company) sa pulong ng shareholders na magtatakda ng kontrol sa kompanya.
Habang sinusulat ang balitang ito, binibilang pa ang mga boto para sa mga nominado sa siyam na miyembrong board of directors ng Meralco. May tig-anim na nominado ang pamilya Lopez at GSIS, at dalawa naman ang independiyente.
Sinusubukang agawin ng GSIS ang pamunuan ng Meralco na pag-aari ng mga Lopez. Hakbang itong sinasabi ng mga kritiko na tangka ni Pangulong Arroyo para maipuwesto ang mga kroni sa kompanya at gipitin ang mga Lopez na naging kritikal sa kanyang adminsitrasyon.
Tinangka ni Garcia na pigilan ang pulong sa bisa ng cease and desist order ng SEC (Security and Exchange Commission). Itinuloy naman ito ng Meralco sa kabila ng nasabing utos na umano’y “null and void”.
Napilitang umalis si Garcia sa Meralco compound sa Ortigas City matapos kantiyawan ng mga empleyado ng Meralco.
Nababala naman si Sen. Pia Cayetano sa gobyerno na maging maingat sa “pakikialam” sa Meralco at paglulugar ng mga opisyal dito na umano’y may pansariling mga interes.
RSS