News Update

JDV hinikayat tumestigo

in

HINIKAYAT ng mga senador ng oposisyon si Pangasinan Rep. Jose de Venecia na tumestigo hinggil sa imbestigasyon sa NBN-ZTE deal.

Ipapatawag ng Joint Senate Blue Ribbon Committee si de Venecia para isalaysay ang pinag-usapan ng Pangulo at mga opisyal ng ZTE sa isang pulong noong Nob. 2, 2006 sa himpilan ng kompanya sa Shenzhen, Tsina.

“Don’t back off. Panahon nang magsalita ka,” sabi ni Sen. Alan Peter Cayetano, tagapangulo ng komite.

Kinumpirma kamakailan ni de Venecia na mayroon siyang impormasyong makapipinsala sa gobyernong Arroyo na ibubunyag niya “sa tamang panahon.”

Pero babala ni Sen. Miriam Santiago ipagpapaliwanag din si de Venecia hinggil sa kanyang pagkakasangkot sa NBN-ZTE at iba pang maanomalyang proyekto gaya ng Northrail.

Aminado si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., hindi mapipigilan ang mga senador ng administrasyon na umatake sa pinatalsik na House Espiker. Pero aniya, “Kasaysayan ang huhusga kay JDV. Dapat din niyang isipin ang epekto ng pag-iwas sa Senado.”

Sabi naman ni Sen. Rodolfo Biazon, “Walang tamang panahon para ituwid ang mali [kundi] ngayon.”

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options