News Update
Pinas malamang hindi makasali sa Jones Cup?
MAAARING hindi makapaglaro ang Pilipinas sa darating na Jones Cup kung hindi ito magpapadala ng koponan na galing sa PBA (Philippine Basketball Association).
Ito ang inihayag ni Ryan Gregorio, pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, matapos makatanggap ng imbitasyon galing sa organisador ng Jones Cup. Nakahapag sa communique na kailangan nila ng koponang galing sa pro-league para sa marketing ng torneo.
Dagdag pa sa kaguluhan ang pag-atras ng PBA sa Asian-level na torneo ngunit bukas pa naman itong suportahan ang pagpasok sa world-level.
Sinagot na ni Gregorio ang liham na nakahanda ang koponang Harbor Center, na nakakuha na ng limang kampeonato, sa Philippine Basketball League. Kasama sa liham na marami pa rin ang sumusubaybay at humahanga sa koponan ng Pilipinas. Dagdag pa niya, sasamahan pa ng mga manlalarong galing sa PBA ang koponan.
Nanganganib ang bansa na hindi maimbitahan sa susunod pang internasyunal na mga torneong komersiyal sa hindi pagtugon at pagsunod sa imbitasyon.
RSS