News Update
Tañamor naka-ginto
posted 04-Jun-2008
in
ILANG buwan bago sumabak sa Beijing Olympics, ipinakita na ni Harry Tañamor ang kanyang arsenal sa kakatapos na IBA (International Boxing Association) President’s Cup.
Nakasungkit si Tañamor ng ginto laban kay Essomba Thomas ng Cameroon sa talang 17-4 sa dibisyong light-flyweight. Nagpahiwatig ito ng malakas na mensaheng mas matindi pa ang ipapamalas niya pagdating sa Olimpiyada bilang nag-iisang delegado ng bansa para sa boksing.
Bagaman nanalo ng ginto, hindi naman niya nakaharap ang Tsinong si Zhou Zhiming, na tumalo sa kanya noong nakaraang Nobyembre sa World Boxing Championships.
RSS