News Update

Boston vs Lakers sa National Basketball Association Finals: Sino ang magwawagi?

in

Resty Tibay

NAKATAKDANG magsimula sa Biyernes dito sa Pilipinas ang pagtutunggali ng Los Angeles Lakers at Boston Celtics pagkatapos ng 21 taon.

Sa loob ng sampung taong nagkakaharap ang dalawang koponan, nakuha ng Boston ang unang walong panalo at nakuha ng Lakers ang sumunod na dalawa noong 1985 at 1987.

Ngayong taon ang ika-11 nilang paghaharap.

Mula 1987, hindi na muling nakaabot ang Celtics sa finals, hanggang makuha nila ang serbisyo ni Kevin Garnett at Ray Allen para pamunuan ang koponan na sungkitin ang best record ng liga sa regular season. Bagaman top seed sa kahit anong match-up, kinailangan ng koponan ang dalawang seryeng game-7 laban sa Atlanta Hawks at Cleveland Cavaliers. Nakalasap na lang sila ng dalawang road wins kontra sa Detroit Pistons upang mapanalunan ang kampeonato ng Eastern Conference.

Natalo man ng Boston sa regular na season ng 0-2, nakuha naman ng LA si Pau Gasol upang umarangkada bilang top-seed ng Western Conference. Tila madali ang kanilang landas tungong finals nang lampasuhin nila ang Denver Nuggets sa unang round, itumba ang Utah Jazz 4-2, at tanggalan ng korona ang defending champion na San Antonio Spurs 4-1 sa Western Conference finals.

Sasakyan ng Lakers ang kanilang most valuable player na si Kobe Bryant, at ang inside presence ni Gasol at Lamar Odom upang tapatan ang bigating tatlo ng Celtics na sina Garnett, Allen at Paul Pierce. Mas pabor ang match-ups sa Lakers sa guard at center position, habang hawak ni Pierce at Garnett ang bentahe sa forward position para sa Celtics.

Maaaring malampasan din ni Coach Phil Jackson ng Lakers ang rekord ni Red Auerbach kung mapanalunan niya ang ika-10 niyang titulo sa taong ito.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options