News Update

WHO muling nagbanta laban sa bird flu

Muling nagbabala ang WHO (World Health Organization) ukol sa panibagong banta ng bird flu makaraang makapagtala ng bagong kaso ng impeksiyon sa Pakistan at unang human case sa Burma.

Apat na magkakapatid na lalaki at dalawang magpinsan ang nagkasakit nitong nakaraang buwan sa Abbotabad, isang bayan sa Islamabad, habang tatlong iba pa na nagkatay ng manok sa parehong lugar at sa isang kalapit lugar ang nag-positibo sa H5N1 bird flu virus nitong buwan.

Agad na nagtungo ang mga eksperto mula WHO, upang siyasatin ang mga nasabing kaso na siyang kauna-unahan sa Silangang Asya. Layunin ng pagbisita ang pagkalap ng dagdag na impormasyon at makapagbigay ng tulong kung sakaling magkaroon pa ng ibang banta.

Ayon kay Khalif Bile, kinatawan ng WHO sa naturang bansa, ang kagawaran ng kalusugan, agrikultura at WHO ay mahigpit na nagtutulungan ngayon matapos ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng tatlo na nagresulta sa hindi agarang pag-uulat ng lokal na pamahalaan ng mga pinaghihinalaang kaso ng bird flu.

Rowena Cahiles

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options