News Update

Green tea para sa kalusugan

Ano nga ba ang magagawa ng isang tasang green tea para sa iyo?

• Tumutulong para labanan ang virus na nagdudulot ng sakit, kasama na rito ang trangkaso.

• Nagpapababa ng bad cholesterol.

• Tumutulong para labanan ang nakamamatay na kanser. Sinasabing may ilang sustansiyang taglay ang tsaa na nakakatulong para maiwasan ang kanser sa lymph nodes o kulani, bladder, suso, cervix, bituka o colon, esophagus o lalaugan, baga, buto, pancreas, prostate, balat at sikmura.

• Nakapagpapalakas o nakapagpapatibay ng katawan laban sa pagod.

• Tumutulong para mapababa ang timbang, para sa matataba.

Sa madaling salita, mabuti para sa kalusugan mo ang uminom ng green tea. At kung gusto mong iwasan ang inuming may caffeine, inumin mo iyong decaffeinated version ng green tea, o alisin ang caffeine sa iyong tsaa sa pamamagitan ng:

• Ibabad ang tsaa sa mainit na tubig sa loob ng 45 segundo at itapon ang tubig na pinagbabaran.

• Dagdagan nang mas maraming tubig ang iyong tsaa gaya nang ginagawa mo sa regular na pagtitimpla mo nito.

Hanggang 80 porsiyentong caffeine ang nawawala sa unang buhos ng tubig sa tsaa at, kung gayon, kakaunti na lamang ang matitira sa iinumin mo sa ikalawang buhos ng tubig sa iinumin mong tsaa. Kung nag-aalala kang mawawalan ng lasa at mababawasan ang mabangong amoy ng tsaa mo, wala namang epekto ang prosesong ito.

Blessie Dimzon

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options