News Update

70 pamilya sa Rodriguez, mapapalayas

in

Soliman A. Santos

PITUMPONG pamilyang nagsasaka sa Rodriguez, Rizal ang mapapalayas mula sa kanilang lupa dahil umano sa isang proyekto ng gobyerno.

Ayon sa Parawagan Upland Farmers Association, mapapalayas ang kanilang mga miyembro dahil sa panukalang Community-based Forest Management ng Department of Environment and Natural Resources sa kanilang lugar.

Sinabi pa ng grupo na banta sa kabuhayan ng mga magsasaka ang proyekto kaya dapat itong itigil ng gobyerno.

Nagtatanim ng palay, kamote, patatas, at ibang prutas ang naturang mga magsasaka.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options