News Update

Pagluluksa sa UP idineklara

in

Ilang-Ilang Quijano

PITONG araw ng pagluluksa ang idineklara ng mga estudyante, guro, at kawani ng UP (University of the Philippines) para tutulan ang komersiyalisasyon ng UP at pagtataas ng matrikula, alinsabay ng pagdiriwang sa sentenaryo ng unibersidad mula Hunyo 16 hanggang 22.

“Sa pagpirma ni Pangulong Arroyo sa bagong UP Charter noong nakaraang buwan, pinatay ang Iskolar ng Bayan at inabo ang mga institusyon ng UP,” ayon kay Dr. Judy Taguiwalo, pambansang tagapangulo ng All UP Academic Workers Union.

Sa bagong UP Charter, maaaring magtayo ng mga call center, condominium, at supermarket sa mga lupain ng UP na paparentahan para makalikom ng pondo. Bibigyan din ang Board of Regents ng kapangyarihang itaas ang matrikula nang walang konsultasyon sa mga estudyante.

Iboboykot ng progresibong mga grupo sa UP ang umano’y magarbong selebrasyon ng sentenaryo na aabot sa P150 Milyon.

Reply

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <em> <strong> <cite> <code> <ul> <ol> <li> <dl> <dt> <dd> <object> <embed> <param> <script>
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options