News Update
P9,000 dagdag-na-sahod ng guro, suportado
posted 18-Jun-2008
in
Ilang-Ilang Quijano
INUDYOK ni Gabriela Rep. Luz Ilagan ang mga kapwa mambabatas na dinggin ang panawagan ng mga pampublikong guro na isabatas ang P9,000 dagdag na sahod across the board sa buong bansa.
“Panahon nang itaas ang suweldo ng mga guro na isa sa pinakamababa, “ ani Ilagan, dating guro sa Mindanao.
Nakapasa sa pangalawang pagbasa ang Senate Bill 2408 para sa P9,000 dagdag-na-sahod na ibibigay sa loob ng tatlong taon. Umaasa ang ACT (Alliance for Concerned Teachers) na maghahain ng parehong panukala sa Kamara.
Umaabot lamang sa P8,000 ang takehome pay ng mga pampublikong guro. Hindi nito kayang sapatan ang pangaraw-araw na gastusin, ayon sa ACT.
RSS