News Update
Grupo ng abogado pinasalamatan ng NDFP
Ilang-Ilang Quijano
PINASALAMATAN ng NDFP (National Democratic Front of the Philippines) ang pandaigdigang grupo ng mga abogado na IADL (International Association of Democratic Lawyers) para sa pagtatanggol sa karapatan ni Jose Maria Sison, punong pampulitikang tagapayo ng NDFP, at iba pang mga Pilipinong nakatira sa The Netherlands.
Noong Hunyo 11, sa Universal Periodic Review ng United Nations Human Rights Council sa Geneva, Switzerland, isinumbong ng IADL ang arbitraryong pagkakaaresto at detensiyon kay Sison at reyd ng mga awtoridad na Dutch sa opisina ng NDFP at bahay ng mga istap nito noong Agosto 28, 2007.
Ayon sa IADL, ginamit ng mga awtoridad na Dutch ang maling impormasyon mula sa Ialag (Inter-Agency Legal Action Group) na pinamumunuan ni National Security Adviser Norberto Gonzales.
Inirekomenda ni UN Special Rapporteur Philip Alston na buwagin ang Ialag na umano’y responsable sa pagsampa ng gawa-gawang mga kaso laban sa mga aktibista.
Peligroso para sa usapang pangkapayapaan, ayon sa NDFP, ang patuloy na persekusyon kay Sison. Hinaharang pa rin ang mga bank account ni Sison at ng NDFP.
RSS