News Update

Sino ang dapat sisihin sa paglubog ng MV Princess of the Stars?

Sulpicio Lines
52% (25 votes)
Philippine Coast Guard
38% (18 votes)
Wala
10% (5 votes)
Total votes: 48

MAPANIRA?

Akala ko ba ang slogan ninyo ay MATAPAT, MAPANURI, MAKABAYAN? E mukha yatang MAPANIRA ang pakay ng paksa na ito - yung hanapin kung sino ang sisisihin. Kung tutuusin, marami ang dapat sisihin at hindi lang iisang kumpanya o opisina ng gobyerno, at gayunman, marami din ang kailangang managot. At isa pa, walang kinalaman naman ang Philippine Coast Guard sa paglubog ng barko, ang mas may kinalaman doon, bukod sa management ng Sulpicio at crew ng MV Princess of the Stars, ay si bagyong Frank, yung bahura, yung naglalakihang mga alon at yung opisinang nagbigay ng go-signal sa Sulpicio na maghayag ang barkong ito sa panahon ng bagyo. Sa pagkaka-alam ko, hindi ito kasama sa tungkulin ng Philippine Coast Guard.

Gayunpaman, mas mainam yata na umiwas tayo sa sisihan at tumulong na lang tayo sa mga nasalanta. Ipasa-Diyos at isa-korte na lang natin kung sino ang dapat sisihin. Hindi umuusad ang bayan natin sa isang mentalidad na mapanira.

hello

sa naunang nagkomento,

hello! mahirap naman atang walang sinisisi sa malinaw na kapalpakan at katarantaduhan na nagdulot sa pagkamatay ng daan-daang katao. bakit kailangang umiwas sa sisihan? dahil may masasaktan? kailangang may managot! kailangang may sisihin! otherwise, walang pananagutan ang mga walanghiyang nasa posisyon, nasa kapangyarihan. pasa-Diyos? ipasakorte? saang mundo ka ba nakatira? kahit mga obispo di magsasabi na ipasa-diyos na lang ang ganitong karumaldumal na pangyayari! totoong dapat pag-aralan kung sino ang may kasalanan, pero MALING MALI na pabayaan na lang natin nang ganun ganun na lang. dapat aralin, at wag palampasin ang kung sino man ang may kasalanan. at hindi imposibleng may pananagutan ang gobyerno, laluna ang coast guard. dahil sila ang nag-iinspeksyon sa mga sasakyan. sila ang nag-aapruba sa paglayag ng mga barko. kung may mangyari sa mga barko, may karapatan ang taumbayn na magtanong kung may kapalpakan ba sa bahagi nila. katangahan na pabayaan na lang na parang walang nangyari!

hinggil sa huling sentence mo, actually IYANG PAG-IISIP NA IYAN ANG DAHILAN KUNG BAKIT DI UMMUSAD ANG BANSA NATIN! KAISIPANG TATANGA-TANGA! kaisipang parang dinidiyos ang gobyerno, na parang pag pinabayaan lang natin ang gobyerno sa sarili nito, gaganda ang buhay natin. hello! ang dahilan kung bakit di pa nalulugmok nang tuluyan ang bansang ito ay ang pagiging mapagmatyag ng taumbayan! ang mga protesta! ang midya (kahit papaano)! paano, halimbawa, kung natuloy ang proyektong NBN-ZTE at gumastos ang gobyerno (pera ng taumbayan) ng limpak-limpak? e di milyung milyong piso na naman yun na napunta sa bulsa ng mga pulitiko sa halip na sa edukasyon, kalusugan, etc. !

haynaku. naaasar talaga ako sa mga ganyang pag-iisip. parang pag kumwestyon ka sa may kapangyarihan, pag siningil mo siya sa pananagutan niya, ikaw pa ang may kasalanan. kaisipang bulok yan na dapat ibaon na sa limot!

una, ang bagyo sa Pilipinas

una, ang bagyo sa Pilipinas ay hindi bago, taun-taon ilang bagyo ang dumarating kaya nga may mga patakaran sa paglalayag dahil sa ganitong sitwasyon, pero nilabag pa rin ito ng Sulpicio.

Ikalawa, hindi bago sa sakuna ang Sulpicio, ilang libo na ang namatay na Pilipino dahil sa kapabayaan ng kumpanyang iyan.

Ikatlo, madaling sabihing wag manisi kasi hindi kayo namatayan. Sa mga nabiktima, kailangan magkaroon ng hustisya.