News Update

Dapat na bang magbitiw sa puwesto si Pangulong Arroyo?

Oo
93% (91 votes)
Hindi
7% (7 votes)
Total votes: 98

dapat lamang..dahil wala na

dapat lamang..dahil wala na itong moralidad na mamuno at habang nagtatagal ay nawawalan lamang ng tiwala ang sambayanan sa rehimen arroyo...

ang dapat, patalsikin na si GMA

in the frist place niloko niya ang sambayanan noong 2004 presidential election kaya't hindi siya legal na presidente.kung siya man ay legal na naluklok sa posisyon, dapat siyang bumaba at umalis sa Malakanyang kundi man siya ay patalsikin ng peoples power dahil: numero unong sinungaling, walang humpay na katiwalian at anomalous transactions tulad ng NBN-ZTE atbp.; malalang kurapsyon at paglulustay sa pinaghirapang kabang-yaman ng sambayanan, pagtaas ng mga bilihin at walang pigil na oil price hike, matinding kahirapan sa karamihang pamilya, pagiging bentadera niya ng yaman ng Pilipinas, at pananahimik kundi man basbas niya ang walang patumanggang pagkitil sa buhay at pagdukot sa mga aktibista at sa mga kababayang muslim at sapilitang paglikas ng mga tribal Filipinos mula sa kanilang lupa at pamayanan; inhustisya at kawalang kapayapaan; polisiya hindi makatao at hindi makatarungan; bentador ng mamamayan sa ibang bansa imbes na magkaroon ng regular na trabaho, seguridad sa trabaho at sapat na sahod upang hindi na pwersadong maghanap ng trabaho sa labas ng Pilipinas, pangongotong at gingawang gatasang baka ang mga OFWs, paglustay sa pinaghirapan ng mga OFWs, pagpapabaya sa kagalingan at karapatan ng mga OFWs at pamilya; at maramin pang kasalanan niya.

grabe na ang hirap, mahal na

grabe na ang hirap, mahal na nga ang bilihin, lalu pang nagmamahal ang baboy at ngayon naman, mahal na, mahirap pang maghanap ng bigas dahil sa kulang ang suplay. Dapat kasi ang mga sakahan natin una ay para sa pangangailangan ng Pilipino at hindi ng banyaga. kung dati ay marami na ang nagugutom, lalu na ngayon.

patalsikin at singilin ang ganid

ang ganid at mapagsamantala sa sambayanan at sa bayan ay kelangan ng itapon sa basurahan ng kasaysayan. patalsikin si GLORIA. itayo ang sistemang makabayan at malaya. papuri sa demokratikong rebolusyong bayan at sa tuloy tuloy na daluyong ng pambansang demokratikong pakikibaka. ang pagsulong ng matagalang digmang bayan sa kanayunan ang nagpapahiwatig na nalalapit na ang paglaya ng BAYAN.

sobra nang naghihirap ang

sobra nang naghihirap ang sambayanang pilipino. lugmok na sa komunoy ang kabuhayan ng mga tao at walang political will ang rehimeng arroyo para maiahon ang mga tao...dito sa bicol 31 na ang kilo ng bigas,patuloy din na tumataas ang mga ibang mga panguhaning bilihin...at lalo pa ito tataas dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis...tama na,sobra na, patalsikin si gloria!

Una, hindi siya magbibitiw.

Una, hindi siya magbibitiw. Nariyan ang lahat ng indikasyon na nagpapakitang determinado siyang kumapit sa poder sukdulang gumamit siya ng dahas (nas siya na nga niyang ginagawa.) Kung gayon, kailangang paigtingin pa ang mga protesta para mapalayas siya. Ilunsad ang bagong tipo ng people power na magpapakilos sa daang-libong mamamayan. Susi ang walang humpay na pagmumulat at pag-oorganisa. Malaking hamon ang resulta ng survey na nagsasabing halos 70% ng mamamayan, gayong nakikisimpatya sa panawagang umalis na si GMA, ay hindi pa handang sumama sa mga protesta. Malaking bahagdan nito ay nagmula sa D-E class brackets. Ibig sabihin, kailangang pukawin pa ang nakararaming mamamayan. Lagpas sa isyu ng korupsiyon na humahamig sa middle class, kailangan pang pag-ibayuhin ang paglalantad ng mga patakarang nagpapalala sa kahirapan at ikawing ito sa panawagang pagpapatalsik. Hindi na sasapat ang mga iniluwal ng mga nagdaang pag-aalsa. Kongkretong alternatibo ang pagbubuo ng transition council na tatagal ng tatlo hanggang limang buwan. Tungkulin ng konsehong ito ang pagpapanagot sa mga krimen ni Arroyo, paglilinis sa Comelec para bigyang-daan ang halalan, magpatupad ng mga kagyat na reporma na magbibigay ng kaunting alwan sa mamamayan lalong higit sa ekonomiya, at iba pa. Hindi ito ang ultimong tatapos sa paghihirap ng nakararami ngunit isang hakbang ito tungo sa mas matagal pang pagsisikhay para sa isang tunay na malaya at masaganang bukas.