Pinoy Weekly
Archive for: May, 2009

(UPDATED) Dinukot na Fil-Am inilitaw, 2 pang aktibista hinahanap

(UPDATED, May 25 5 p.m.) Nananawagan ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa gobyernong Arroyo na agad na ilitaw ang mga kasamahang volunteer health workers ni Melissa Roxas, isang Filipino-American, na dinukot umano ng hinihinalang mga sundalong militar noong Mayo 19, 1:30 pm sa Sitio Bagong Sikat, Bgy. Kapanikian, La Paz, Tarlac. Kinumpirma ni Renato Reyes [...]

Balita: Marahas na dispersal sa kampuhan ng magsasaka sa House of Representatives

Marahas na binuwag ng mga pulis at awtoridad ng House of Representatives noong Mayo 22 ang kampuhan ng mga magsasaka para igiit ang tunay na reporma sa lupa sa tapat ng Batasan Complex, Quezon City. (Arkibong Bayan) Basahin ang buong istorya Tingnan ang iba pang mga larawan Share

Pagbabalik ng makata

Higit isang dekada na nang huling nag-rekord si Jess Santiago. Ngunit nasa puso at isip pa rin ng kanyang prosa at musika ang pagiging tunay na makabayan.

Video: Paggunita sa Plaza Miranda ng unang anibersaryo ng pagkamatay ni Crispin “Ka Bel” Beltran

Ginunita sa Plaza Miranda sa Maynila noong Mayo 20, 2009 ang unang taong anibersaryo ng pagkamatay ni Crispin “Ka Bel” Beltran.

Kampuhan ng magsasaka binuwag; 9 sugatan

Marahas na binuwag ng mga elemento ng Philippine National Police at sergeant-at-arms ng House of Representatives ang kampuhan ng mga magsasaka sa harap ng Batasan Complex, Quezon City bandang 2:30 ng hapon ngayong Mayo 22. Sa kabila ng pakikipagnegosasyon na pinagunahan ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano, pinalayas ng mga awtoridad ang mahigit 150 magsasaka ng [...]

Maralitang biktima ng demolisyon ng South Rail project, nagmartsa

Higit isandaang biktima ng demolisyon sa tabing-riles sa Muntinlupa ang nagmartsa mula sa estasyon sa Alabang ng Philippine National Railways (PNR) tungo sa City Hall ng lungsod upang maglunsad ng piket para ipanawagan ang kagyat na solusyon sa pabahay, trabaho at katarungan. Sa pangunguna ng bagong tatag na organisasyon ng mga biktima ng demolisyon, ang [...]

Paglista ng NUJP, mamamahayag sa Order of Battle ng AFP ikinaalarma

Ikinaalarma ng iba’t ibang grupo ang pagsama sa Order of Battle (OB) ng 10th Infantry Division ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang grupo ng mamamahayag na National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at kilalang mamamahayag na si Carlos Conde. Sa isang press conference sa Davao City kamakailan, isiniwalat ni Bayan Muna [...]

Minimum wage ng OFW sa Hong Kong hiniling suportahan ng gobyerno

Dapat suportahan ng gobyerno ng Pilipinas na makabilang sa legislated minimum wage ang mga OFW (overseas Filipino workers) sa Hong Kong. Ito ang reaksiyon ng Unifil-Migrante-HK (United Filipinos in Hong Kong) habang pinag-uusapan sa Hong Kong ang hindi pagsama sa mga FDW (foreign domestic workers) sa pinaplanong SMW (Statutory Minimum Wage). Ayon kay Dolores Balladares, [...]

Pilipina pinaka-diskriminado sa ilalim ng administrasyong Arroyo

Inilarawan silang alipin, malanding kasambahay, walang silbing nurse, at ngayon, isang mail-order-bride. Ito umano ang imahe ng mga Pilipina sa internasyunal na media sa kasalukuyan, ayon sa Migrante International. Ito ang reaksiyon ng grupo sa panunudyo ni Alec Baldwin, isang artistang Amerikano, na kukuha na lamang siya ng Filipina mail-order-bride dahil sa kanyang edad. Bago [...]

Katrina Halili humingi ng tulong sa Gabriela

Suportado sa grupong pangkababaihan na Gabriela si Katrina Halili matapos humingi ng tulong sa kanila ang aktres sa laban nito sa mga nagpakalat sa Internet ng kontrobersiyal na sex video nila ni Dr. Hayden Kho. “Nakipagkita sa amin si Katrina at kami ay naniniwala at sumusuporta sa kanyang ipinaglalaban. Maaasahan niya ang aming pagsuporta tulad [...]

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes