Pinoy Weekly

Kabuhayang nakataya: Pabrika ng Triumph binabantayan ng manggagawa

Pabrika ng TIPI, araw gabi'y binabantayan ng mga manggagawa para mapigilan ang pagluwas ng hilaw na materyales at posibleng pagsasara ng kompanya. (Tudla Productions)

Pabrika ng TIPI, araw gabi'y binabantayan ng mga manggagawa para mapigilan ang pagluwas ng hilaw na materyales at posibleng pagsasara ng kompanya. (Tudla Productions)

Pakanang durugin ang unyon?

Ayon sa mga manggagawa, ramdam nila ang epekto ng papabagsak na produksiyon dulot ng desisyon ng manedsment na ilipat ito sa ibang bansa. Sa sewing department halimbawa, bumaba ang produktibidad ng mga manggagawa. Mula 300 minuto kada araw, ngayo’y nasa 100 hanggang 200 minuto na lamang.

Hindi naman nalulugi ang kompanya, ayon kay dela Cruz. “Naghahanap lang sila ng pinakamurang lakas-paggawa na kanilang mabibili sa mga bansa tulad ng Vietnam at China. Gusto nilang tiyakin na wala ni isang sentimo ang mababawas sa kanilang kita.”

May mahigit 50 production centers sa buong daigdig ang Triumph International, na naka-base sa Europa. Ibinebenta ang mga produkto nito sa 125 bansa at kumikita ng mahigit $1.6 Bilyon kada taon.

Noong Hunyo 2, sumulat kay Streicher si Leonardo Innocenzi, tagapangulo ng Global Supply Chain ng Triumph International, para igiit na dapat nang iluwas ang mga hilaw na materyales mula sa bansa.

Pero ayon sa Kilusang Mayo Uno- National Capital Region (KMU-NCR), ang ganitong mga hakbang ay bahagi ng taktika ng mga kompanya para wasakin ang mga unyon. Mahigit isang dekada nang nakikibaka ang BPMTI para sa kapakanan ng mga manggagawa.

“Tatanggalin ang mga regular na manggagawa at papalitan ng mas kaunting manggagawang kontraktuwal na may maliit na sahod at halos walang benepisyo,” ayon kay Roy Velez, tagapangulo ng KMU-NCR.

Sa kasalukuyan, tumatanggap ang mga manggagawa ng P450 na sahod kada araw. Nakamit ito sa mahabang kasaysayan ng pakikipagtunggalian sa manedsment, na hindi miminsa’y humantong sa welga.

Walang bumibigay

Hindi man nakawelga, mahigpit na dinedepensahan ng mga manggagawa ang kanilang piket.

Bandang 7:05 ng umaga noong Hunyo 11, mahigit 30 armado at nakamaskarang kalalakihan ang muling nagdemolis ng piket at nagtangay ng mga kagamitan ng mga manggagawa. Mabilis ang tugon ng mga manggagawa. Noong araw ding iyon, mahigit-kumulang 800 sa kanila ang dumagsa sa harap ng opisina ng kompanya, nag-die-in, at nangakong hindi susuko sa laban.

Ayon sa BPMTI, nakakabahala kapwa ang karahasan at katahimikan na ipinapamalas ng manedsment ng TIPI. Inirereklamo rin nila ang patuloy na panghaharas at paniniktik sa mga manggagawang nasa piket.

Pero patuloy ang kanilang pagbabantay. “Hanggang mabigyan kami ng kaseguruhan na hindi kami matutulad sa libu-libong manggagawa na natanggal sa trabaho simula nang pumutok ang pandaigdigang krisis pang-ekonomiya, hindi kami titigil,” sabi ni dela Cruz.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=2103

Posted by on Jun 18 2009. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

No Comment for “Kabuhayang nakataya: Pabrika ng Triumph binabantayan ng manggagawa”

  1. internasyonalista

    Ang kailangan ngayon ay malawakang pagkakaisa at pakikibaka ng mga manggagawa para labanan ang mga atake ng kapitalismo at esatdo na nasa matinding krisis.

    Iwasan ang pagkanya-kanya ng laban. Sa halip dapat magtulungan para lalakas ang pwersa ng uri. Hindi ito magagawa ng mga unyon na hati-hati at punung-puno ng sektaryanismo at tunggalian, na siya dahilan upang mahati-hati ang laban ng mga manggagawa.

    Ang pagkakaisa ay dapat sa mga ASEMBLIYA kung saan maaring lalahok sa diskusyon at debate ang LAHAT ng manggagawa.

    Kumukulo din ang laban ng mga manggagawsa sa Cebu laluna sa Export Processing Zone. Wildcat strikes o “illegal” strikes ang inilunsad ng mga manggagawa dun, isang tradisyon na ginagawa ng uri noong 1970s at 1980s hindi lang sa Pilipinas kundi kahit sa Uropa. Maging ngayon, widlcat strikes ang sandata ng uring nagkakaisa sa Uropa — Britain, France, Greece, etc.

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes