Pinay sa kamay ng dayuhang amo
Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang aksiyon nila para iligtas ang naiwang mga OFW.
Nanawagan rin ang Migrante sa pamilya ng mga biktima na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para mapanagot rin ang mga recruitment agency na nagpaalis sa mga biktima. Tinukoy ng Migrante ang AFT Company na nakabase sa Ermita, Maynila na siyang ahensiya ng mga naturang OFW.
“Nakausap namin ang ilan sa mga biktima. Nagmamakaawa sila na iligtas sila pero ayaw nilang magpabanggit ng pangalan. Kaya kami na ang nananawagan sa kanilang pamilya na kumilos na para mailigtas ang kanilang mga kaanak,” ani Martinez.
Sinabi pa ni Martinez na ang pinakamalaking bilang ng mga OFW ay mga domestic helper at karamihan sa kanila ay sa Saudi Arabia, isang bansa na hindi man lamang kumikilala sa karapatan ng mga domestic helper para makapag-day-off.
“Nanawagan kami sa administrasyong Arroyo na agad na kumilos para mailigtas ang 20 Pinay na nasa kamay pa rin ni Khalid. Dapat ding tiyakin ng embahada ng Pilipinas sa Saudi na madala sila sa ospital at sampahan ng kasong kriminal si Khalid,” sabi pa ni Martinez.
Video ng testimonya ni Aliyah:
http://pinoyweekly.org/new/video-testimonya-ng-ofw-na-nakaligtas-sa-panggagahasa/
1 2
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=2307













