Pinoy Weekly

Tingnan ang nagsasariling bayan ng North Korea

Pangarap ng muling pagsasanib

May pangarap pa ring hindi natutupad ang mga mamamayan ng Korean Peninsula. Ito ang reunification o muling pagsasanib ng North at South Korea, na napaghiwalay noong World War II.

Pinangunahan ng DPRK simula pa noong 1972 ang mga hakbang para sa reunification. Iminungkahi ni Il-Sung ang pagtatayo ng isang pederal na republikang pinagsasanib ang dalawang sistema sa Korea. Pero nabalaho ito dahil sa interbensiyon ng US, ayon kay Yong Gun.

“Ang pagkakahiwalay ng Korean Peninsula ay isang malaking trahedya… Walang mamamayan ang may gusto nito,” aniya pa.

Huling nag-usap ang mga pinuno ng Republic of Korea (South Korea) at DPRK noong 2007. Sa matagumpay na pag-uudyok ng US ng mas mahigpit na parusa sa halip na negosasyon sa sosyalistang republika, tila matatagalan pa ang minimithing nagkakaisang Korea.

Pero sa ngayon, marahil sapat nang nagkakaisa pa rin ang mga mamamayan ng North Korea at nagsisilbing isa sa kakaunting ehemplo ng tunay na nagsasariling bayan.

1 2 3

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=2292

Posted by on Jun 28 2009. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

No Comment for “Tingnan ang nagsasariling bayan ng North Korea”

  1. Ramir Endriga Corcolon

    Sa isang bansa gaya ng North Korea kahanga-hanga na sa kabila ng pananakop at pagwasak na literal sa kanila ng mga maimpluwensang mga bansa gaya ng U.S. at Japan nagawa nilang makapagsimula muli at makabangon na walang impluwensa ng mga imperyalistang bansa. alam ko na darating ang tamang panahon na bilang isang sosyalistang bansa na unti-unti bumangon at ngayon ay malapit na sa rurok ng kaunlaran, kaunlaran na tiyak na mararamdaman ng kanilang mamamayan isang sosyalistang bansa na titingalain sa buong mundo at magiging huwaran para sa pagbangon ng maraming bansa sa buong mundo na nalinlang ng pekeng sistemang demokratiko ng imperyalistang U.S. isang Taas kamaong pagpupugay po sa mga mamamayang ng North Korea

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes