Pinoy Weekly

Angel Locsin, bumisita sa evacuation center sa Munai, Lanao del Norte

Tatlong reflections hinggil sa pagbisita ni Angel Locsin sa evacuation center sa Munai, Lanao del Norte

Angel Locsin:

Hi guys!

Marami po ang nagtatanong sa akin kung bakit daw po ako pumunta sa Mindanao. Yung iba po, tinatanong kung may shooting daw po kami dun. Yung iba naman po, akala kandidato po ako.

Hindi ko po masisisi kung ganun ang expectations lalo na ng mga tagaroon sa mga dumadayo doon. Kasi pagka-ganitong mga pagkakataon lang daw po sila naaalala…

In fact, yung mga close po sa akin na nakakaalam ng lakad na ito, dini-discourage po talaga ako para di ko na ituloy. May nagbiro pa nga po sa akin na may No-Ransom policy daw ang ABS. Pero personal decision ko po ang pagpunta ko doon, hindi lang po dahil may soft spot ako sa mga Muslim dahil sa ganitong culture lumaki ang mommy namin, kundi dahil marami po akong katanungan at gustong matutunan…

In relation po kasi sa commitment ko sa Human Rights Advocacy, especially of women and children—common notion po sa atin na ang Mindanao, of all regions sa Pilipinas, ang pinakamagulo at notorious when it comes to human rights violation because of the armed conflict that is going on. Plus the fact na marami po sa atin ay may cultural bias against Muslims.

Ang naging motivation ko po dito ay ang mga questions ko kung bakit sila kinatatakutan na parang mga terorista, bakit may gulo at bakit hindi ito matapos-tapos, bakit sabi nila very rich daw ang natural resources ng Mindanao pero bakit marami dun ang mahirap, etc, etc…

Alam ko pong sa dalawang araw lang na stay namin doon ay di ko pa po matututunan ang lahat kaya pinag-aaralan ko pa rin ang sitwasyon nila at kung ano pong tulong ang kailangan nila. Pero sa dalawang araw lang na yon, marami po akong na-realize.

Ilan po sa naging realizations ko ay mga biktima po ang mga kapwa Pilipino natin doon, hindi po lahat terorista. Muslims at Christians, parehong apektado ng giyera, at ayon po sa mga tao doon, hindi po totoong Muslims at Christians ang magkalaban. Ang tunay daw pong problema nila ay poverty, landlessness at cultural displacement kaya daw maraming nagrerebelde.

Sa interview po namin sa mga taga-evacuation center ng Munai, gusto na po sana nilang magkaroon na ng kapayapaan para makabalik sa kanilang mga sakahan. Ang lupa po kasi ang basis ng kanilang economic at cultural activities—dito po nanggagaling ang kanilang pagkain, ang kanilang mga produkto tulad ng brassware, potteries at tela—kaya kapag tinanggalan sila ng lupa, parang tinanggal din po ang kanilang culture, identity at buhay. Kaya sana mai-resume na po ang peace talks alang-alang po sa mga naiipit sa digmaan.

Doon po naman sa pinuntahan naming peasant Muslim at Christian community sa loob ng isang cement factory compound, problema nila ang threat na mapalayas sa kanilang lupain dahil isang foreign corporation po ang umaangkin nito. Sa ngayon, bago po kayo makapasok sa lugar nila, kailangan pa pong maglog sa mga security guards ng cement factory, pero sa mga susunod na araw, maaring sila mismo ay di na makapasok sa kanilang lugar kung hindi po pakikinggan ng mga kinauukulan ang kanilang pinaglalabang ancestral domain.

Alam ko rin pong wala po akong masyadong magagawa para ma-resolve ang problema sa Mindanao. Alam ko pong di sapat yung relief or charity work dito, dahil sa nakikita ko po ngayon, hindi awa ang kailangan nila kundi pagkilala sa kanila bilang kapwa, bilang taong may karapatan. Yung simpleng pagtanggal sa ating cultural discrimination, yung simpleng pagpapadama sa kanila na di sila nag-iisa sa laban nila, malaking bagay po yun sa kanila…

Nakikiisa po ako sa kanila sa panawagan para sa kapayapaan.

GIVE PEACE IN MINDANAO A CHANCE…

1 2 3

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=2454

Posted by on Jul 5 2009. Filed under Lathalain, Showbiz. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

7 Comments for “Angel Locsin, bumisita sa evacuation center sa Munai, Lanao del Norte”

  1. vinz

    I was touched with what Ms. Angel did. She’s really an inspiration to us to make this world a better place to live.

    We love you Ms. Angel

  2. Para ke Ms.Angel Locsin

    saludo kami sa iyong inilunsad kasama ng mga kaibigan mo.

    wow astig parang si Angeline Jolie si angel Locsin ah,hanep; ang tanong tol di ba na gusto nating mahanapan ng kasagutan kung my mga pangyayaring ganito sa ating buhay, lam pag nababasa ko ang mga balitang ito sa mga alternative media isa ang namumutawi lagi sa isip ko, ang salita ni Zapata taga mexico yun isang lider siya, sabi nya dun “it is better to die with our feet than we die in our knee” palaban na salita diba? ito pa sabi ni nmn ni Chairman Mao “sino ba nmn ang my gusto na sa pang-araw araw na buhay ntin ay nakikidigma tau, di ko na sasabihin ang susunod dito sa quotation na ito ha. isa dun sa naaalala ko sa mensahe mo s naranasan mo s 2 araw mo na pagtitigil sa Maguindanao eh sabi mo at sabi nila mayaman ang mindanao pero bakit my naghihirap, maganda tanong yan tol Angle tingan mo din ang nagyayari now sa Africa napayaman sa Diamond ang lugar na yun pro nakikita natin s mainstream media diba kahila hilakbot na karalitaan at malnutrition diba?sino ba ang dapat sisihin ang simtema or yung mga tao mismo or yung nakikinabang sa sistema na nagpapanatili ng ganito at ganyang kaayusan?ang dami tanong diba?ipaliwanag ko man dito sasakit lng kamay ko at hindi mo din sa kagyat mauunawaan, pro nasagot ang mga katunungan na iyan na ako mismo ang naghanap sa gusto ko makita, nagpapasalamat ako at naging progresibo ako sa mga lahat ng mga nakasama ko at mga Guro hindi lamang sa loob ng apat na sulok na burgis na paaralan, sila yung mga tinatawag ko na masa or karaniwang tao, madami ako natutunan sa inyo sa pakikisalamuha ko, tama ang sbi ni Chairman Mao ang mamamayan lamang ang tagapaglikha ng kasaysayan talaga.

    balik tau sa mindanao mayaman ang rehiyon na iyan sa natural gas gas kya nga my Abu Sayyaf jan eh pra magkaroon ng katwiran ang pagkamilitarisado ng lugar na iyan at presencia ng mga dayuhan sundalo YANKEE Idiot jan kung sino ang nakontrol ng rehiyon na iyan kontrolado nya ang ruta ng kalakalan ng ating rehiyon, at yung mina na natural gas need yan ng dayuhan para maisecure nya ang magpapatakbo ng knyang eneherhiya nya ng sariling bansa niya, nakita mo nmn diba kanino napabor ang kaayusan ha,

    Angel ito tol tingnan mo lng ha, sabi sa Bill of Right ntin no shall deprive of life,liberty and property, ikaw, ako tayung lahat my buhay tayu di ba? ikalawa my kalayaan tau na masasabi diba diba?hindi na natin pahahabain ang usapin sa liberty sa ikatlo tau ang
    ari-arian kahit papano diba yung buhay natin pede na nting masabi na pag-aari natin diba? pero in essential the property kita mo nmn diba kung sino ang protekdado diba kita mo pinapalayas sa mga tirahan nila kahit matagal na panahon na sila nabubuhay dun?anong sasabihin nila na proyektong pangkaunlaran anong binipisyomakukuha nila sasabihin nung iba trabaho yes tama trabaho eh kita mo nmn ang cost living nila wlang dignidad as tao bilang obrero diba?sapat ba nmn ang pasahon kung sakali matuloy ang proyekto my mag-aaklas pa ba kung maganda ang condition ng pamumuhay sa pagtratrabaho sa lupang tinayuan ng kung ano ano pagawaan at kaek ekan na yan?ikaw na humusga?simpla lng nmn hiling nila Ancetral Domain diba? ito pa sa welga ng manggawa sila na ang naapi hindi niremit ang SSS hindi tinupad ang mga kasunduan sa huli yung my ari pa ang babantayan ng pulis at apartus ng gubyerno sila na ang nang-api sila pa ang my proteksyon. diba?kita nmn diba sa realidad,maghusga at malalim na pagsusuri Angel, kita mo nmn ang mga batas sa bansa natin or consti natin pabor sa mga my property yun nalang Contractulization law diba kanino ba napabor ang batas na yan siguro alam mo na hindi sa obrero diba?kaya tama ang kasabihan na ‘ that the only way to my right is my left pro nadating sa point na naiisip ko di na need makita pa ng kanan ang magandang ginagawa ng ng kaliwa di ba?

    hirap isipin tlga hanggang san hanggang kelan nakikipagtawaran lng tau sa pakikipaglaban, my peace talk naman pro lagi naud udlot kasi interest ng iilan ang iginigiit eh,

    naaalala ko ang sabi ni erap nuon sabi nya nun s tv there is human rights when there is a civil war ang alam ang human rights eh alienable rights yan eh ng isang tao eh diba? sbi nga isang book eh people can only or only live in the light of human rights di ko maintindihan bakit di maintindihan ng mga militar na yan ang ginagawa nila kya sila nasasabihan ng utak pulbura eh.
    sabagy unawako nmn eh armadong aparatus siya ng Estado eh, Sbi ni Chairman Mao with out the people’s army people’s have nothing.

    Ms. Angel ang law of nature ay balanse or binabalanse yan nuong una puro pagsasamantala nagyon ang inaapi ay lumalaban na,

    mahabang usapin pra maunawan ang usapin ng isang lipunan at paano tayu umabot sa ganito diba?

    muli Ms. Angel saludo kami sau para sa amin Ambassador ka ng Good Will sa bansa natin ikaw ang version ng asawa ni Brad Pitt naway kaisa ka sa mga pangyayari sa ating lipunan dito na lamang sanay makatalakayan kita at namin di to sa email ko.

    muli isang mapagpalayang katanghalian sa iyo, kumain ka na ba?

  3. Dadah

    Sana pumunta ka naman dito ka sa JOLO. . . .ur such truly an inspirati0n.

  4. ana

    nakakamangha talaga ang tulad nya……. hahai… she truly deserves the name itself….. isa syang anghel!!!!! she cares for other people…. thank you miss angel locsin for inspiring a lot of people….GODBLESS…. muahhhh.

  5. nash

    h!

    i am muslim
    thanks angel L. sa gnagawa mo at sa gagawin mo pah allah bless u all the time.

  6. kayna angara-tiu

    bravo angel ! hulog ka ng langit para sa mga mahihirap na tulad namin. Matagal na po naming hinahangad ang kapayapaan sa Mindanao. Kahit na po sana mahirap ang buhay basta may kapayapaan. Sana resume na po ang peace talks! salamat sa suporta .

    mabuhay po kayo angel locsin !

  7. ang ganda pala ni angel if she wear a combong…

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes