Mga larawan: Bakwit at ligalig sa sariling tahanan

Inamin ni David Eason mula sa Department of Economic Security ng ICRC na sa nakaraang dalawang buwan lamang naging halos regular ang pagbibigay ng rasyon dahil hindi sila nakakapasok kapag idineklara ng militar na may problema sa seguridad ang lugar.

Hindi tiyak ng mga bakwit kung kailan darating ang susunod na rasyon. Ayon kay Jenaida Guiali, 22, isang bakwit sa Datu Gumbay Evacuation Center, "Mahirap na laging umasa sa kanila. Sana makabalik na kami sa aming mga tahanan.”

Nakakatatlong henerasyon na ang mga Morong ito, pero hindi pa rin natatapos ang giyera. Halos isang taon na silang naninirahan sa evacuation center.
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=2495
















[...] Halos isang taon nang suspendido ang normal na buhay ng mga sibilyang Moro. Hindi makapaghanapbuhay o makapagpaaral ng mga anak ang karamihan. Namamayani ang gutom, sakit, at takot sa ligaw na mga mortar at bala na araw-gabing nangangahulog mula sa langit. (Tingnan ang kaugnay na storya at mga larawan hinggil sa mga bakwit) [...]
[...] Mga larawan: Bakwit at ligalig sa sariling tahanan Angel Locsin, bumisita sa evacuation center sa Munai, Lanao del Norte Paalam, Ka Wilson [...]