Pinoy Weekly

Paalam, Ka Wilson

Bilang lider-obrero, kilala si Baldonaza sa pagiging masinsin. Inaalam niya ang bawat detalye ng mga gawain, aktibidad at maging ng mga pahayag na ilalathala ng KMU. Masigasig din siya sa pagtangan ng gawain. Workaholic – ito ang palaging pagsasalarawan sa kanya ng mga kasamahan sa organisasyon.

Wala din umano siyang kapaguran sa pag-aaral at pagbibigay ng pag-aaral. Sa katanuyan, isa siya sa mga komprehensibong nag-aaral ng kalagayan at sistematikong panunupil sa mga manggagawa sa kasalukuyang panahon. Maaasahan din ang kanyang mahusay na sagot kung siya’y tatanungin sa pinakahuling mga kaganapan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Kinatawan na rin niya ang mga manggagawang Pilipino sa mga kumperensiya sa Australya at Europa. Sa mga pagkakataong ito, naibahagi ni Baldonaza kung paano umano pinagsasamantalahan ng pamahalaang Arroyo ang mga manggagawang Pilipino.

Para naman kay Jose Maria Sison, tagapangulo ng International League of People’s Struggle (ILPS), si Baldonaza ay isang “bukod tanging bayani, lider obrero at internasyonalista.” Ani Sison, di matatawaran ang ambag niya sa pagsusulong ng kapakanan di lamang ng mga obrerong Pilipino, kundi ng obrero ng buong mundo. Bilang coordinator ng Commission 5 ng ILPS, nanguna si Baldonaza sa pagsusulong sa karapatan sa pag-uunyon at iba pang demokratikong karapatan ng mga manggagawa, pagpapataas ng sahod at pag-aangat ng kanilang kalagayan. Gayundin, isa siya sa mga nanguna sa paglaban sa patuloy na pananamantala at pagsira sa mga organisasyon ng mga manggagawa, dagdag ni Sison.

Pagpanaw

Limang araw matapos isugod sa Manila Christian Hospital, nakaasa na lamang si Baldonaza sa respirator. May namuong dugo sa kanyang utak at dumanas siya ng maraming kombulsyon habang nasa ospital. Tuluyan siyang pumanaw eksaktong 2:15 ng madaling araw, unang araw ng Hulyo.

55 anyos lamang si Baldonaza.

Bagamat maagang pumanaw, nalubos ni Baldonaza ang kanyang buhay bilang lider at edukador ng mga manggagawa, ani Labog.

Bukod sa kanyang mga ambag sa kilusang paggawa, pinaghalawan din ng inspirasyon at optimismo ng marami si Baldonaza. Madalas niyang paalala: “Humaharap man sa matitinding panunupil ang kilusang paggawa, patuloy itong susulong at maipagtatagumpay ang pakikibaka ng mga manggagawa at sambayanan para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Magtatagumpay ang ating pakikibaka para sa lipunang pantay ang lahat.”

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=2447

Posted by on Jul 5 2009. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes