Pinoy Weekly

Ang pagkamatay ng Gawad Pambansang Alagad ng Sining

Pangungutya

img_2745_5

Si G. Eddie Romero (Maricristh T. Magaling)

“Nanalo si Caparas sa sining biswal dahil nagdodrowing daw siya ng komiks. Gusto din nilang ilagay siya sa Panitikan dahil nagsusulat daw siya ng iskrip,” ani Cabrera.

Maging si Leo Martinez, beteranong aktor at director general ng Film Academy of the Philippines ay nagulat kung paano napasama si Caparas sa listahan.

“Malamang na inilagay siya ng Malakanyang,” pahayag ni Martinez tungkol kay Caparas, na kilalang tagasuporta ni Pangulong Arroyo.

Bilang protesta, isinauli ng mga nabanggit na alagad ng sining ang kanilang medalyon ng pagkilala at hindi isusuot hanggang hindi binabawi ang maanomalyang pagpili ni Pangulong Arroyo.

Para naman sa mga guro ng Department of Visual Communication - College of Fine Arts sa UP, dahil sa pakikiaalam, inilibing mismo ni Pangulong Arroyo ang aspirasyon ng mga alagad ng sining para sa progresibong sining at kultura ng sambayanang Pilipino.

Si G. Arturo Luz

Si G. Arturo Luz

Sa pahayag ng mga guro sinabi nilang ignoranteng binalewala ang estetiko na itinuturo nila sa unibersidad, estetikong natutunan sa pamamagitan ng makabuluhan at kolektibong interaksiyon sa mga artista at sambayanan.

Idinagdag pa nila na eskapista, pantastiko at walang saysay ang sining na inilalako ng Pangulo dahil ang mga ganitong klase ng sining ay makakaagaw ng atensiyon ng mga tao sa madilim na katotohanan ng korapsiyon, maling pamamahala at kawalanghiyaan na bumabalot sa kasalukuyang administrasyon.

Dagdag-bawas

Binatikos naman ni Lumbera ang hindi paggawad kay Ramos Santos (Musika) na kabilang sa mga nasa listahang ibinigay ng NCCA at CCP.

Aniya, mukhang pati sa sining at kultura ay dinadala ng administrasyon ang dayaan sa halalang pampulitika.
Ayon naman sa CAP, trinasporma ni Arroyo ang Gawad Pambansang Alagad ng Sining bilang kanyang pagbibigay ng pulitikal na pabor.

Mahigit kalahati umano sa mga bagong National Artists ang direktang nirekomenda ni Pangulong Arroyo na wala sa listahang ibinigay ng NCCA at CCP, ang tanging mga ahensiya na inaatasan ng batas na magrekomenda ng Pambansang Alagad ng Sining.

Bilang protesta, pansamantalang inihimlay ng mga Pambansang Alagad ng Sining ang kanilang mga medalyon na sumisimbolo sa gawad. (King Catoy)

Bilang protesta, pansamantalang inihimlay ng mga Pambansang Alagad ng Sining ang kanilang mga medalyon na sumisimbolo sa gawad. (King Catoy)

Ang Gawad Pambansang Alagad ng Sining ay ang pinakamataas na pagkilala sa mga natatanging Pilipino na signipikanteng nakapag-ambag sa larangan ng sining kabilang ang musika, sayaw, teatro, sining biswal, panitikan, pelikula at sining brodkas at arkitektura at alyadong sining.

Sinusukat ang mga ginagawaran sa pamamagitan ng kanilang bisyon, pagkamalikhain, imahinasyon at kahusayang teknikal. Malaking salik rin ang pagkakaroon ng impact ng sining sa lipunang Pilipino. Sinimulan ito noong 1972 bilang pagkilala sa mga alagad ng sining. Unang nakatanggap nito sina Fernando Amorsolo at Amado V. Hernandez. Noong 2003, itinaas ito sa lebel ng Cultural Order at naging kapantay ng Order of National Scientists.

Pero dahil sa nangyaring ‘pagmasaker’ ng Malakanyang sa paggawad, binababoy umano ni Pangulong Arroyo ang prestihiyosong pagkilala bilang pabuya sa kanyang mga tagasuporta.

Nakiisa rin sa protesta ang mag-inang sina Armida at Carlos Suigion Reyna, Joel Lamangan, Isay Alvarez, Chris Millado, Nick Pichay, Romy Vitug, Behn Cervantes, Jimmy Abad, Krip Yuson, Eugene Domingo, Joonee Gamboa, Johnny Delgado, Laurice Guillen, Jim Paredes, Danny Javier, Malou de Guzman, Bibeth Orteza, Gil Portes, Neil Doloricon, Luna Sicat, Roland Tolentino, Nanding Josef, Joey Reyes, Raymond Red, Gil Portes, Chito Roño, Joey Romero, at marami pang iba.

Nangako ang mga Pambansang Alagad ng Sining na ipaglalaban ang pagbalik ng dangal sa gawad. (King Catoy)

Nangako ang mga Pambansang Alagad ng Sining na ipaglalaban ang pagbalik ng dangal at prestihiyo sa gawad. (King Catoy)

Panoorin ang video ng protesta:

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=3274

Posted by on Aug 7 2009. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

No Comment for “Ang pagkamatay ng Gawad Pambansang Alagad ng Sining”

  1. [...] Basahin ang kaugnay na artikulo: Ang pagkamatay ng Gawad Pambansang Alagad ng Sining [...]

  2. wilmor pacay III

    Ang pagpupumilit sa pagbibigay ng Gawad Pambansang Alagad ng Sining kina Guidote-Alvarez at Caparas ay patunay lamang ng maruming panghihimasok ni Arroyo hanggang sa sektor ng mga makabayang artista ng bansa. Hindi marapat na basta na lamang hayaan ang ganitong uri ng maruming pakikialam. :-)

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes