Pinoy Weekly

Di paggana ng JMC, di pagkilala sa karapatang pantao

jmc2

Bungad ng tanggapan ng Joint Monitoring Committee sa Cubao, Quezon City. Magkatabi man ang opisina ng NDFP at GRP, hindi pa rin nagpupulong ang dalawang komite simula 2004. (Ilang-Ilang Quijano)

Samantala, puno ang kamay ng NDFP-MC sa pagpoproseso ng mga reklamong isinampa kapwa laban sa GRP at sa NDFP. Sa talaan nito noong Hunyo 30, 2009, may kabuuang 4,220 na kasong isinampa sa JMC—2,417 dito ang laban sa GRP; at 1,803 naman ang laban sa NDFP.

Pero ayon sa NDFP-MC, 75 lamang sa mga isinampang kaso laban sa NDFP ang mga reklamong may merito.

Sa naunang pag-aaral ng komite sa mga kasong isinampa mula Hunyo 2004 hanggang Disyembre 2007, lumalabas na 96% ng mga reklamo laban sa NDFP ay “panggulo” lamang. May 1,349 sa mga reklamo ang walang maayos na dokumentasyon o salaysay ng insidente. Nakasaad lamang na ang biktima ay “shot to death/summarily executed by communist terrorists.”

Ito rin ang mga kaso na iprinisenta ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Philip Alston, United Nations Special Rapporteur on Extra-Judicial Killings, noong 2007 para igiit na hindi gobyerno, kundi New People’s Army ang nasa likod ng pamamaslang sa mga sibilyan. Pero ayon mismo kay Alston noon, walang dokumentasyong maibigay ang AFP kaya’t “imposible” na makumpirma ang mga ito.

Sinumite ng opisina ng Judge Advocate General’s Service ang lahat ng mga kaso sa JMC noong Nobyembre 8, 2006. Simula noon, halos hindi na nadagdagan pa ang mga reklamo laban sa NDFP.

Umano'y 96% ng mga isinampang reklamo laban sa NDFP ay "panggulo" dahil walang maayos na dokumentasyon ng insidente, gaya ng sa complaint form na ito na isinampa ng GRP.

Umano'y 96% ng mga isinampang reklamo laban sa NDFP ay "panggulo" dahil walang maayos na dokumentasyon ng insidente, gaya ng sa complaint form na ito na isinampa ng GRP.

Sa kabilang banda, patuloy na umaakyat ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao na mga elemento ng GRP ang suspek. Pero hindi ito maimbestigahan ng JMC.

“Laging sinasabi ng gobyerno na biased daw ang mga grupo gaya ng Karapatan. Heto ang komite na mismong sila ang nagtayo—bakit hindi nila paganahin?” sabi ni Silverio.

Kampanyang edukasyon

Sa kabila nito, patuloy ang NDFP-MC sa kanilang kampanya para ipaliwanag ang  Carhrihl at iba pang mga isyu hinggil sa usapang pangkapayapaan, sa pamamagitan ng paglathala ng mga publikasyon at pagdaraos ng mga porum. Umano’y mahalaga ito sa pagpapaunawa sa publiko ng ugat ng 40-taong armadong pakikibaka sa bansa at ng posibleng mga hakbang para maresolba ito.

Kamakailan lamang, inilathala ng komite ang isang pamphlet kung saan mababasa ang pinakahuling borador ng Reciprocal Working Group ng NDFP sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (Caser), ang pangalawang adyenda ng usapang pangkapayapaan.

Nakasaad sa Caser ang mga probisyon para sa pang-ekonomiyang soberanya at pambansang patrimonya; repormang agraryo at kaunlarang pang-agrikultura; pambansang industriyalisasyon at kaunlarang pang-ekonomiya; planadong ekonomiya; karapatan ng mga manggagawa, kabuhayan, at serbisyong panlipunan; pangangalaga at rehabilitasyon ng kalikasan; polisiyang monetaryo at piskal; at ugnayang panlabas.

Ang Caser ang balangkas ng mga reporma sa lipunan na sinisikap ng mga rebeldeng komunista na kilalanin ng GRP. Pero sa kasalukuyang itinatakbo ng usapang pangkapayapaan, tila ang interes dito ng gobyernong Arroyo ay kapareho ng antas ng interes nito sa pagpapagana ng JMC: kakaunti o wala.

Basahin ang kaugnay na artikulo:

Sa likod ng nababalahong usapang pangkapayapaan

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=3599

Posted by on Aug 24 2009. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

No Comment for “Di paggana ng JMC, di pagkilala sa karapatang pantao”

  1. [...] May dahilan si Palo na madismaya. Itinayo kapwa ng NDFP at GRP ang JMC noong 2004 para mamonitor at masolusyunan ang mga paglabag sa karapatang pantao. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin lubusang gumagana ang komite. Pagkakataon na sana ang panunumbalik ng usapang pangkapayapaan para paganahin ang JMC, at talakayin ang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (Caser). (Tingnan ang kaugnay na istorya) [...]

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes