Pinoy Weekly

Di paggana ng JMC, di pagkilala sa karapatang pantao

Kaso ng mga reklamo laban sa gobyernong Arroyo vs kaso ng mga reklamo laban sa NDFP. (Ilang-Ilang Quijano)

Kaso ng mga reklamo laban sa gobyernong Arroyo vs kaso ng mga reklamo laban sa NDFP. (Ilang-Ilang Quijano)

Sa ika-anim na palapag ng isang gusali sa tapat ng Immaculate Concepcion Cathedral sa Cubao, Quezon City, matatagpuan ang opisina ng Human Rights Joint Monitoring Committee (JMC). Dito, isang makitid na corridor lamang ang naghihiwalay sa mga istap ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Itinalaga sila para siguruhin ang trabaho ng pagkilala sa karapatang pantao, isa sa pinakamahalagang napagkasunduan sa mahigit dalawang dekadang pag-uusap sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng komunista.

Pero apat na taon simula nang maitatag ang JMC noong 2004, hindi pa rin lubusang gumagana ang komite. Hindi ito nakakapagpulong o nakakapaglunsad ng magkatuwang na mga aktibidad sang-ayon sa mandato nito sa ilalim ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (Carhrihl), kasunduang pinirmahan ng magkabilang panig noong 1998.

“Sa esensiya, hanggang ribbon-cutting lang ang naganap,” hitumok ni Ina Silverio, public information officer ng NDFP-MC.

Ang dahilan? Ang patuloy na suspensiyon ng pormal na usapang pangkapayaan. O ito ang ikinakatuwiran ng gobyernong Arroyo.

Katuwiran ng GRP

Simula’t sapul, hindi na tinatanggap ng NDFP ang katuwirang ito ng gobyerno. Sa serye ng mga palitan sa e-mail noong 2004 nina Fidel Agcaoili, tagapangulo ng NDFP-MC at Atty. Carlos Medina Jr., noo’y tagapangulo ng GRP-MC, lumalabas na makailang beses hiniling ng NDFP sa GRP ang pagpupulong ng JMC. Pero sinasabi ng GRP na hindi ito posible hanggang hindi nagkakaroon ng mas positibong takbo ang usapang pangkapayapaan.

Walang magawa ang NDFP, kahit pa inuulit-ulit nito ang posisyon na “may sariling buhay” ang JMC nang labas sa itinatakbo ng pormal na usapang pangkapayapaan, sang-ayon sa Section 5 ng Carhrihl.

Dapat nagpupulong ng apat na beses sa isang taon ang JMC para mapag-usapan ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao na isinasampa sa bawat komite, at para magsagawa ng magkatuwang na imbestigasyon. Batay sa imbestigasyon na ito, maglalabas ng ulat  ang JMC na dapat sang-ayunan ng lahat ng miyembro.

Ang ulat na ito ang iaakyat sa GRP o NDFP para maaksiyunan sa anumang porma na inirerekomenda ng JMC–parusa man sa inaakusahang maysala o indemnipikasyon sa mga biktima.

Pero sa ngayon, kanya-kanya pa ang trabaho ng magkabilang komite.

Sa kabila ng posisyon ng GRP hinggil sa paggana ng JMC, nagpursige pa rin ang NDFP-MC na imbitahan ang kabilang komite sa magkatuwang na imbestigasyon, ayon kay Marissa Dumajug-Palo, tagapangulo ng secretariat ng NDFP-MC. Dalawang beses noong 2006 (para sa mga kaso ng pagdukot ng mga sibilyan at mga konsultant ng NDFP; at para sa mga kaso ng ekstrahudisyal na pamamaslang) at isang beses noong 2007 (para sa mga kaso ng pagpatay sa mga batang inaakusahang mandirigma). Pero sa lahat ng pagkakataong ito, tumanggi ang GRP-MC.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=3599

Posted by on Aug 24 2009. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

No Comment for “Di paggana ng JMC, di pagkilala sa karapatang pantao”

  1. [...] May dahilan si Palo na madismaya. Itinayo kapwa ng NDFP at GRP ang JMC noong 2004 para mamonitor at masolusyunan ang mga paglabag sa karapatang pantao. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin lubusang gumagana ang komite. Pagkakataon na sana ang panunumbalik ng usapang pangkapayapaan para paganahin ang JMC, at talakayin ang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (Caser). (Tingnan ang kaugnay na istorya) [...]

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes