Ekstensiyon ng CARP: barikada ng panginoong maylupa
Barikada ng panginoong maylupa
Idinagdag pa ni Mariano na dahil binibigyan ng naturang probisyon ang mga panginoong maylupa na tukuyin ang mga benepisyaryo kasama pa ng mabusising proseso ng pagpili at iba pang rekisitos, inilalantad lamang nito ang “mito ng kompulsaryong pagkuha” (ng lupa).
Sa halip, isang barikada pa umano ito ng mga panginoong maylupa para mapanatili ang kanilang mga lupain. “Binigyan lamang ng ektensiyon ng Carp ang mga panginoong maylupa ng mas maraming legal na proteksiyon, pinaliit ang saklaw at pinalawak ang eksempsiyon ng malalawak na lupain mula sa repormang pang-agraryo,” sabi ni Mariano.
Binanggit din ni Mariano Sec. 3 ng RA 9700 na nagsasabing “A comprehensive inventory system, in consonance with the national land use plan shall be instituted by the DAR, in accordance with the Local Government Code, for the purpose of properly identifying and classifying farmlands with one (1) year from effectivity of this Act, without prejudice to the implementation of the land acquisition and distribution.”
Dahil dito, inaasahan umano ang malawakang reklasipikasyon ng lupang sakahan patungo sa ibang gamit para lamang matakasan ang pamamahagi ng lupa.
Gatasan
Tiniyak rin ni Mariano na magiging gatasan lamang ng mga panginoong maylupa ang P150 bilyong pondo para sa ekstensiyon ng CARP.
“Sa kunwaring boluntaryong pagbebenta ng kanilang lupain, siguradong kakabig ng kompensasyon ang mga panginoong maylupa habang nasasamantala ang mga probisyon sa eksempsiyon at ekkslusyon ng RA 9700,” ayon kay Mariano.
Ayon naman kay Ramos, alam na ng taumbayan kung kanino mapupunta ang P150 bilyong pondo. “Kung hindi pananagutin ang Department of Agrarian Reform kung saan napunta ang badyet para sa nakalipas na 20 taon ng CARP, mapupunta ito sa mga panginoong maylupa at sa mga opisyal ng DAR.
Ayon sa DAR at Deparment of Environment and Natural Resources o DENR, 82% o 7.4 milyong ektarya na ang naipamahagi nito sa orihinal na 9 milyong ektrayang target ng CARP.
Sinasabi rin ng DAR na 4.1 milyong ektarya na ang nasaklaw nila para sa 2.4 milyong benepisyaryo. Pero ayon sa KMP, wala isa man sa kanilang miyembro mula sa 65 probinsiya ang nakapag-ari ng lupa sa pamamagitan ng CARP.
1 2
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=3497













