Pagkatapos ng luha
Wala namang debate na si Aquino ay ina ng demokrasya at kailangang ulit-ulitin ang titulong ito dahil ang demokrasyang ipinaglaban at pinagbuwisan ng buhay ng maraming mamamayan bago pa man ang makasaysayang pangyayari noong 1986 ay unti-unting pinapatay ng nakaupong Pangulo.
May dahilan para tumulo ang luha sa gitna ng malakas na ulan nitong unang linggo ng Agosto pero ipagpaumanhin po ninyo kung ang aking pakikipagkaisa’y hindi sa pagluha kundi sa pagsasakonteksto lang ng mga pangyayari, at sa pangakong patuloy ang aking pakikiisa sa anumang paraan para sa pagbabago.
Si Pangulong Aquino ay nararapat na bigyan ng respeto sa kanyang huling paglalakbay papuntang Manila Memorial Park, pero mas magiging makahulugan ang kanyang pagkamatay kung ang kalayaang nakamit noong 1986 ay mahigpit na panghawakan, lalo na’t layunin ng mga nasa kapangyarihan na agawin ito sa atin.
Opo, panahon na para pahirin ang luha sa mata para muling makita ang katotohanan sa gitna ng malakas na ulan. Nananatili ang krisis at ang unos ay nagbabadya. Tuloy ang laban!
Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.
1 2
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=3337














[...] N.B. – This will be published in the August 7-13, 2009 issue of Pinoy Weekly, the full text of which may also be retrieved from http://pinoyweekly.org/new/pagkatapos-ng-luha/. [...]