Telebiswal na libing ng santa
Ang diin ay ang paglikha ng katanggap-tanggap na mga bayaning kontrapuntal hindi sa mismong naghaharing uri, kundi sa kasalukuyang faksyon ng aktwal na may politikal na kapangyarihan. Mobilisasyon ang kaganapan ng negosyo, oposisyon at kilusang masa—ang pagrehistro ng presensya sa dakilang araw ng libing. Ang masa ay nagkusa namang pumunta sa ruta, kundi man makiisa sa telebisyon.
Ang pagkakaiba ni Ninoy kay Cory ay mas maagang namatay ang una, bago nagkaroon ng higit na ofisyal na kapangyarihang politikal. Nasubaybayan ng kasaysayan ang taas-babang yugto sa politikal na buhay ni Cory dahil mas matagal itong nabuhay. At ang rekurso para maibsan ang baba, mapanatili ang taas ay gawin itong santa. Sa paanan ng santa, inialay ang omnibus na dalamhati at komitment para sa pagpapatuloy ng laban.
Lapida itong umaako sa katawan at pagmamamay-ari sa puntod. Ginawa na ito kina Rizal at Ninoy. Aspirasyonal ang dulot nito, sa pana-panahong recall—ng ofisyal na estado–sa kabayanihan ng mga ito. Kung tunay na nais magpakilos, kailangang ilabas ang labi hindi sa politikang spero gaya ng nangyayari kay Noynoy matapos ang libing, at sa iba pang nagtangka ng mobilisasyon tungo rito (mga politikong may individual na agenda sa pakikiisa sa libing). Hindi rin sa dilaw na t-shirt at imaheng ni Cory at Ninoy na nakatatak.
Paano aakuin ang moderasyon ng santa sa radikal na kilusan? Makiisa at mag-move on. Magpabalik-balik sa lansangan bilang arena ng kolektibong protesta. Madalas walang telebiswal na coverage. O kung mayroon man, sa pinakamarahas na proteksyonismo ng estado sa poder nito. Sa kalaunan ang kilusan din naman ang maglulugar sa santa bilang presidente sa partikular na panahon, at iba pa sa ibang panahon.
Ang masa ang nagluklok kay Cory, naglibing sa kanya. Ang masa ang magpapalaya sa sambayanan. Ang kumikilos na masa ang sambayanan.
1 2
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=3587













