Pinoy Weekly

Baha’t trahedya sa Marikina, naiwasan sana?

Pagsakop sa ilog

Samantala, may malaking epekto rin ang pagsakop sa ilang bahagi ng ilog, dahilan para ito kumipot. Halimbawa, isang eksklusibong subdibisyon din ang tinukoy ni Tabios na maaaring dahilan ng pagkipot ng ilog. Partikular na nakapuwesto ito sa ilog ng Marikina sa bandang Ortigas, Pasig. Ani Tabios, ang pagkipot nito ang maaaring dahilan kung bakit hindi maayos ang daloy ng ilog patungo sa Manggahan Floodway.

Sa isang pag-aaral naman ni Kenneth Cardeñas, isang masteral na estudyante ng Sosyolohiya sa UP, sinaklaw rin ng eksklusibong subdibisyon at maging ng dalawang malaking unibersidad, at mga residensiyal na kabahayan ang kanlurang bahagi ng ilog Marikina sa Quezon City.

A ridge along the west bank of the Marikina River, which should have been preserved as a watershed, was paved over as exclusive subdivisions (such as La Vista, Loyola Grand Villas, Blue Ridge, and Ayala Heights), schools (Ateneo de Manila University and Miriam College) or settled as slums,” ayon kay Cardeñas.

Orihinal na nakaplanong gawin itong preserbadong watershed batay sa 1941 Frost Plan ng Quezon City. Batay sa plano, maaaring mapigilan ng magubat na watershed ang biglaang mga pagbaha dahil sa kakayahan ng lupa na sumipsip ng tubig. Pero dahil nilagyan na ito ng mga subdibisyon at eskuwelahan, nawala ang kakayahan ng mga puno na sumipsip ng tubig ulan.

Kawalan ng babala, at ang ahensiyang nilusaw ng MMDA

Marikina River matapos ang bagyong Ondoy. (King Catoy)

Marikina River matapos ang bagyong Ondoy. (King Catoy)

Sa isang pag-aaral na ginawa naman ng Environment Monitoring Lab ng National Institute of Geological Sciences ng UP, sa pangunguna ni Dr. CP David, maaaring nabawasan, kundi man tuluyang naiwasan, ang pinsala ng baha kung mayroon lamang masinop na early warning device na inihanda ang gobyerno.

Sa pag-aaral na ginawa ng grupo ni David, lumalabas na mula apat hanggang 12 oras ang agwat ng pagbaba ng tubig mula sa Wawa, Montalban, Rizal hanggang sa erya ng Pasig.

Ipinakikita ng pag-aaral na tinamaan ng baha ang Wawa sa pagitan ng alas-10 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali. Dumaan ito sa San Mateo sa pagitan ng alas-12 ng tanghali hanggang alas kuwatro ng hapon at dumating sa erya ng Pasig sa pagitan ng alas sais ng hapon hanggang hatinggabi.

Ibig sabihin, maaari sanang nasabihan agad ang mga mamamayan sa mas mababang lugar para agad na makaalis bago pa dumating ang baha.

Isang tugon sana rito, ayon kay Tabios, ang EFCOS o Effective Flood Control Operations System na sadyang idinisenyo para sa mga pagbaha sa ilang bahagi ng Metro Manila at Rizal.

Layunin ng operasyon nito na magkaroon ng epektibong operasyon sa pagkontrol ng pagbaha para sa Pasig-Marikina-Laguna Lake Complex sa pamamagitan ng pagkalap ng bolyum ng ulan lebel ng tubig sa Rosario Master Control Station, ang epektibong warning system sa kahabaan ng Manggahan Floodway at ang mulitplex communication system sa pagitan ng Rosario Master Control Station, Napindan Channel, DPWH Central Office at Data Information Center ng Pag-asa para sa mabilis na pagtugon sa malalakas na ulan at pagbaha.

Pero misteryosong natigil ang operasyon ng EFCOS nang ipailalim ito sa Metro Manila Development Authority (MMDA), isang ahensiyang direktang nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo.

Sa huli, at matapos ang isa na namang trahedya, iminungkahi ng mga eksperto na seryosohin ng gobyerno ang paglalaan ng atensiyon sa makabagong teknolohiya para sa prediksiyon ng bolyum ng ulan at pagbaha, ang matagalang pagpaplano para sa paghahanda sa baha, pagkonsidera sa urbanisasyon, modipikasyon ng mga daanan ng tubig, mga estero, at iba pang kagaya nito at ang pag-aaral sa epekto ng climate change.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=4411

Posted by on Oct 10 2009. Filed under Istorya ng Linggo, Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

1 Comment for “Baha’t trahedya sa Marikina, naiwasan sana?”

  1. wa grbe ang sm marikina aa.

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes