Pinoy Weekly

Nang dahil sa lamig ng Korea

Napakaganda ng sistema ng transportasyon kaya hindi mo kailangang bumili ng kotse o motorsiklo. Dumarating sa takdang oras ang mga bus at tren. Hindi namimili ng pasahero ang mga drayber ng taksi. Kahit na malaking siyudad ang Seoul at Busan, halos lahat ng mga lugar ay dinaraanan ng subway na kung saan mura lang ang pamasahe.

Sa pangkalahatan, mura ang bilihin kung ikukumpara sa suweldong nakukuha. Nakakaya kong ipadala kay Joy ang 70 hanggang 80 porsiyento ng kinikita ko (pero ito ay dahil sa nakatira ako sa loob ng kampus at libre ang renta sa bahay na tinutuluyan ko).

Pero narito man ang ginhawa, wala rito ang aking katauhan at kinabukasan. Kahit na sabihing mas maganda ang buhay dito, iba pa rin ang Pilipinas. Hahanap-hanapin mo ang mga bagay na nakasanayan mo na, at kasama na rito ang klima.

Sa pagsisimula ng fall semester noong Setyembre (at pagtatapos ng tag-init), muli kong naramdaman ang pagiging dayuhan dahil sa pagbabalik ng malamig na panahon. Ang mainit na pagtanggap ng mga guro’t estudyante rito ay hindi sapat para bigyang-lunas ang aking pangungulila sa bansang kinagisnan, sa asawang iniwanan.

“Masuwerte ka pa rin, Danny,” sabi ng isang kaibigang peryodistang nagtatrabaho sa Dubai. Kumpara sa kanya at sa mga overseas Filipino worker (OFW) na nasa ibang kontinente’t mas malayo pa sa Pilipinas, may punto siya. Pero nagtatrabaho man sa disyerto o hindi, malayo man o malapit sa Pilipinas, pare-pareho kami ng pinagdaraanan dahil nararamdaman namin ang pagkawalay sa mga mahal sa buhay. Sadyang mahalaga ang pera pero alam nating lahat na walang presyong katumbas ang makapiling ang sariling pamilya’t manirahan sa sariling bansa.

Sa napipintong pagdating ng taglamig, unti-unting bumababa ang temperatura sa Korea habang tumataas naman ang aking pangungulila sa Pilipinas.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa www.dannyarao.com.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=4478

Posted by on Oct 11 2009. Filed under (Kolum), Konteksto. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

No Comment for “Nang dahil sa lamig ng Korea”

  1. [...] N.B. – This will be published in the October 9-15, 2009 issue of Pinoy Weekly, the full text of which may also be retrieved from http://pinoyweekly.org/new/nang-dahil-sa-lamig-ng-korea/. [...]

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes