Pinoy Weekly

312 biktima ng masaker sa ilalim ng gobyernong Arroyo –Karapatan

Nagtirik ng kandila ang mga kabataang mamamahayag sa Quezon City noong Nobyembre 25 para ipanawagan ang hustisya para sa mga biktima ng masaker sa Ampatuan. (Angelica Carballo)

Nagtirik ng kandila ang mga kabataang mamamahayag sa Quezon City noong Nobyembre 25 para ipanawagan ang hustisya para sa mga biktima ng masaker sa Ampatuan na kinabibilangan ng mga mamamahayag. (Angelica Carballo)

Kabilang sa mga prominenteng masaker na naganap sa ilalim ng gobyerno ang masaker ng pitong katao sa Hacienda Luisita noong Nobyembre 16, 2004; masaker ng siyam na katao sa Kanangga, Leyte noong Abril 16, 2003; at masaker ng siyam na katao sa Palo, Leyte noong Nobyembre 21, 2005.

Wala pang napaparusahang salarin sa nasabing mga masaker.

Rekrutment sa grupong para-militar

Ayon pa sa Karapatan, lumawak ang rekrutment ng mga grupong para-militar gaya ng Citizen Armed Force Geographical Unit (Cafgu), Cafgu Active Auxiliary, at Civilian Volunteer Organization (CVO) nang dahil sa OBL.

Mga grupong para-militar na hawak ng pamilya Ampatuan ang itinuturong nasa likod ng pinakahuling masaker.

For far too long has this (government) considered itself a law above the citizens…so much so that its coddled political allies have imbibed the mindset that they, too, can commit such transgressions with impunity,” pahayag ng Karapatan.

Iginiit ng grupo ang isang patas na imbestigasyon sa masaker sa Ampatuan at ang pagbibigay ng hustisya sa lahat ng mga biktima ng paglabag ng karapatang pantao sa ilalim ng gobyernong Arroyo. Nanawagan din ito ng pagdisarma sa lahat ng mga grupong para-militar sa bansa.

Iniutos na ni Jesus Versoza, direktor heneral ng Philippine National Police, ang pagbuwag sa mga CVO sa Maguindanao. Dinisarmahan na rin ang may 20 Cafgu at miyembro ng CVO sa Ampatuan at isinasailalim sa imbestigasyon. Ayon naman sa AFP, may 443 baril na silang nakumpiska mula sa mga Cafgu sa Maguindanao. Pero karamihan sa mga nakumpiska ay mga antigo nang baril tulad ng M1 garrand.

Kamakailan, siningil ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo si Arroyo para sa pag-isyu ng Executive Order 546 na binigyan ng kapangyarihan ang lokal na mga opisyal ng gobyerno at PNP na armasan ang mga sibilyan at gawing miyembro ng mga CVO.

Inisyu ang EO 546 para diumano’y makatulong sa pagsugpo ng insurhensiya sa bansa.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=5158

Posted by on Nov 26 2009. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes