Paninindigan sa likod ng pagkalas
Bukas pa rin sa pag-eendorso
Kinilala nina Maza at Ocampo na maraming hamon ang pagtakbo bilang mga indipendiyenteng kandidato, sa isang halalang tradisyunal na itinatakda ng makinarya at rekurso ng mga mayor na partidong pampulitika. “But we are going to fight the good fight,” sabi ni Maza, na tatakbo kasama ni Ocampo sa ilalim ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Makabayan), na binubuo ng progresibong mga party-list.
Gayunpaman, inilinaw ng dalawang mambabatas na nananatili silang bukas sa pag-endorso ng kandidato sa pagkapangulo o pangalawang pangulo ng oposisyon, kabilang si Villar, sa layuning “maimpluwensiyahan” ang plataporma ng mga ito nang magkaroon ng kongkretong mga panukala para sa pagbabago.
Makikita ang nasabing mga panukala sa 10-puntong prinsipyo at programa ng Makabayan hinggil sa pagbibigay ng kapangyarihan sa mamamayan; mabuting pamamahala; pagpapaunlad ng ekonomiyang maka-Pilipino; pag-ahon ng mayorya mula sa kahirapan; pangangalaga ng kalikasan; pagtataguyod ng pambansang soberanya at pantay na ugnayang panlabas; pagtanggol sa mga karapatang demokratiko; pagpapalaganap ng makabayan, progresibo, at siyentipikong edukasyon at kultura; at pag-abante ng makatarungang prosesong pangkapayapaan.
Ayon kay Ocampo, mahaba pa ang panahon bago ang simula ng kampanya sa Pebrero, at marami pang posibleng maganap na puwestuhang pampulitika. “Ang malinaw sa ngayon ay tumatakbo kami na nakabatay sa plataporma. Bukas kami sa lahat ng gustong sumuporta sa programang ito,” aniya.
Idinagdag ng mambabatas na maaari pang pumihit ang sitwasyon pabor sa progresibong mga puwersang pampulitika, “sa pamamagitan ng mga alyansa na makikinabang ang pagtutulak ng mga reporma.”
Naunsyami man ang pagsasanib-puwersa sa NP, positibo sina Maza at Ocampo na maisusulong ang kanilang kandidatura sa pagka-senador, dahil nasa likuran nila ang iba’t ibang organisasyon at mga mamamayan na gaya nila’y may paninindigan sa mahahalagang isyung kinakaharap ng bayan.
1 2
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=5112















Ang tunay na katuturan ng pagtataguyod ng “multi-party system” sa ilalim ng 1987 Konstitusyon ay hindi ang pagkakaroon ng maraming malalaking lapiang pare-pareho rin namang binubuo ng mga “trapo”. Kasama sa depinisyon nito ang pagbibigay-daan sa pagkakaroon ng mga pangkat na higit na maliliit subalit makapagbibigay sa taumbayan ng mga tunay na bago at alternatibang mga lider, porma, at plataporma.