Pinoy Weekly

Puwersa ng pagbabago sa halalang 2010

Sen. Manny Villar at Sen. Loren Legarda: Bukas sa plataporma at kandidato ng Makabayan. (Contributed Photo)

Sen. Manny Villar at Sen. Loren Legarda: Bukas sa plataporma at kandidato ng Makabayan. (Contributed Photo)

Pakikipag-alyado kay Villar

Samantala, malugod namang tinanggap ni Villar ang dalawang kongresista sa kanyang senatorial lineup. Maging ang plataporma ng Makabayan, kinunsidera umano ni Villar na maisama sa kanyang pangkalahatang programa kung sakaling magwawagi.

Kabilang sa mga kinomit ni Villar sa plataporma ng Makabayan:

(1)   Kaunlaran sa agrikultura at ekonomiya ng kanayunan, sa pamamagitan ng pagbigay ng sapat na suporta sa mga magsasaka at pagtulak ng repormang agraryo at pagbasura sa stock distribution option at iba pang non-land transfer schemes sa Comprehensive Agrarian Reform Program;

(2)   Pagpapaunlad sa mapupaktura at lokal na mga industriya, kabilang ang pagsuporta sa mga lokal na industrialists at small and medium-scale industries;

(3)   Paggalang sa karapatan ng anakpawis. Kasama rito ang paggiit sa legislated wage hike, kasabay ng paggiit ng dagdag-sahod sa regional wage boards;

(4)   Pagbigay ng batayang serbisyong panlipunan, laluna para sa mga mahihirap;

(5)   Pagtugon sa kalikasan at sakuna, kabilang ang pagbuo ng isang komprehensibong disaster preparedness and response program;

(6)   Magpapalakas ng mga institusyon para sa good governance at public accountability. Pagpapanagot kay Gloria Macapagal-Arroyo sa maraming kaso ng pandaraya sa halalan, paglabag sa karapatang pantao, pangungurakot, at pagtatakip sa mga krimen;

(7)   Pagtaguyod sa karapatang pantao at hustisya, partikular ang pagpapatupad ng mga rekomendasyon ni UN Special Rapporteur Philip Alston;

(8)   Pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front;

(9)   Pagkakaroon ng independiyenteng polisiya sa ugnayang panlabas na nakabatay sa pambansang soberanya, kapayapaan at pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga bansa. Bahagi rin nito ang pagrerepaso at posibleng renegosasyon sa RP-US Visiting Forces Agreement.

Ito umano ang pangunahing batayan ng magiging alyansa ng Kaliwa sa kandidatura ni Villar, at maging ni Sen. Loren Legarda sa pagka-bise-presidente.

Isyu ng mga Marcos

Ngunit naging sagka sa alyansang ito ang deklarasyon ng nabalitang pakikipag-alyansa ng Nationalista Party ni Villar sa partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ng pamilya Marcos noong Nob. 20.

Ayon kay Ocampo, “may seryosong mga isyu” ang mga mamamayan sa pamilya Marcos: Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin tinatanggap ng mga ito ang matinding paglabag sa karapatang pantao at korupsiyon na naganap noong diktadurang Marcos.

Sa kanilang deklarasyon ng pagtakbo bilang independiyente, sinabi nina Ocampo at Maza na nagtataka sila sa naturang pakikipag-alyansa ng NP sa isang partidong mistulang “patay na,” at walang ibang makinarya labas sa pamilya Marcos. Sagka rin umano ang alyansang ito sa komitment ni Villar na makakamit ng katarungan sa mga biktima ng batas militar ni Marcos.

Iginiit ng mga militante kay Villar ang pag-atras ng NP sa alyansa sa KBL. At nitong Disyembre 8, inihayag ni Gilbert Remulla, tagapagsalita ng NP at kandidato rin sa pagkasenador, na iniaatras na ng NP ang pakikipag-alyansa sa KBL. Sa opisyal na pahayag, sinabi nitong “may mga internal na problema ang KBL.” Pero tinatayang may kinalaman ang paggiit ng mga militante sa NP na lumayo sa isang relic ng malagim na kabanata sa kasaysayan ng bansa.

Gayunman, magpapatuloy ang pagtakbo sa pagkasenador ni Rep. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang guest candidate ng NP.

Sa paggiit ng mga militante kontra sa alyansang NP-KBL, ipinakita ang patuloy na pagtanggap at pagpapahalaga ni Villar sa boses ng mga militante. Samantala, kumpiyansa sina Ocampo at Maza na mapapanatili nila ang independiensiya at prinsipyadong mga tindig sa kanilang pangangampanya. Napatunayan na nila ito sa isyu ng alyansang NP-KBL. Napatunayan na nila ito sa maraming usapin.

Sa pamamaraan ng prinsipyadong pakikipag-alyansa at paggiit ng paninindigan ninanais ng Makabayan na maimpluwensiyahan sa ikabubuti ang halalang 2010.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=5404

Posted by on Dec 16 2009. Filed under Istorya ng Linggo, Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes