Pinoy Weekly

Sa likod ng librong Pagtatagpo sa Kabilang Dulo: Panitikang Testimonial ng Desaparecidos

Sa mga akda, sinasabing “Mahal kita” bilang kaya nga napapaiyak dahil sa pagkakataong hindi masabi ito nang harap-harapan.  Pero sinasabi rin ang paninindigang mahalin ang sarili bilang kahandaan sa mas mahabang pakikibaka sa paghahanap ng hustisya, at ng lipunang makakapagbigay nito.  Mahal kita kaya nagtitipon-tipon tayo ngayong hapon para gunitain na ang kawalan ay hindi hindi lamang kabawasan kundi karagdagan para sa inaakdang lipunan sa hinaharap.

Ang mga tinipon sa libro ay ang literal na pag-aakda sa posibilidad na makamit ang isang lipunang walang patumanggi sa kanyang mamamayan.  Ito ay isang manifesto ng pagkilos sa gitnang ng di maiibsan na dalamhati.  At ang kahirapan ng gawaing mawalan, maghanap, magsulat, makibaka, mag-organisa, magtaas ng kamulatan, at iba pa ay naiibsan lamang sa pagkakataong nagagawa ang hindi dapat magawa.

Nagsusulat kahit hindi dapat.  Lumilikha kahit na nakikibaka.  Nakikibaka kahit na may pinapaslang at dinadampot.  Ito ang rehistro ng mamamayan sa pagbubura ng estado.  Pinatatahimik na lamang, pinagmo-malling at pinapaghele na lamang sa kapaskuhan kahit na may minamasaker sa Ampatuan, dineklara ang martial law sa Maguindanao, at sinisigurado ni Arroyo ang kanyang pangarap na maging pinuno nang walang hanggan.

Mahirap na kalakaran ang maglabas ng ganitong libro dahil buhay ng kasama ang puhunan.  Pero kailangan.  Gaya nang pangangailangan nating gunitain ang kanilang alaala.  Dahil ang kanilang alaala at pakikibaka ay ang ating kolektibong alaala at pakikibaka.  Kung bakit ngayong hapon, nandito tayong lahat ngayon at wala sa ibang lugar.  Kung bakit kahit na sa pinakamasahol na kaganapan sa ating bansa, umaakda at nanlalaban pa rin ang kanyang inaaping mamamayan.

Sa ngalan ng mga desaparecidos at ng grupong Desaparecidos, isang pagpupugay sa lahat ng kalahok sa pag-akda ng libro at ng kinabukasan nating lahat.

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=5396

Posted by on Dec 13 2009. Filed under (Kolum), Pasintabi. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

1 Comment for “Sa likod ng librong Pagtatagpo sa Kabilang Dulo: Panitikang Testimonial ng Desaparecidos”

  1. [...] cultural critic Rolando B. Tolentino notes that the process of coming up with the book was more difficult than the usual book because the contributors’ writing for the book was [...]

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes