88 caregivers sa Riyadh, nag-hunger strike
Nagpahayag ng suporta ang Migrante International sa 88 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagsagawa ng hunger strike sa Riyadh, Saudi Arabia, matapos umanong mabigo ang gobyerno ng Pilipinas na dinggin ang kanilang panawagan na makauwi sa bansa.
Biktima ang 88 OFW ng contract substitution at di-makatarungang patakaran sa paggawa ng Annasban Group of Companies. Tumigil magtrabaho noong Oktubre 2009 ang mga OFW matapos magreklamo ng ilegal na pagkaltas sa suweldo at delayed na suweldo.
Nobyembre 3 noon nakaraang taon, sinabi nag Department of Foreign Affairs an inaasikaso na ng Philippine Overseas Labor Office ang repatriation ng mga manggagawa sa “lalong madaling panahon.” Pero hanggang ngayon, hindi pa nakakauwi ang mga OFW.
“Nakikiisa ang mga OFW sa buong mundo sa kanilang laban para sa hustisya,” sabi ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante International.
Kinokondena ng grupo ang gobyerno ng Pilipinas, lalo ang opisina ng POLO sa Riyadh, dahil sa kanila umanong kapabayaan at kawalang-pakialam sa sitwasyon ng mga caregiver. Hinikayat nila ang gobyerno na kagyat na asikasuhin ang repatriation at remuneration ng 88 na nakawelgang manggagawa.
Gayundin, nanawagan ang lider-migrante ng imbestigasyon at pagsibak sa puwesto ng mga opisyal ng gobyerno sa Riyadh para sa kanilang “pagka-inutil.”
“Kapag humahantong ang ating namomroblemang mga OFW sa paggutom sa kanilang mga sarili para lamang makuha ang atensiyon ng gobyerno, malaki talaga ang problema,” sabi ni Martinez.
Nooong Disyembre 2003, 16 istranded na mga OFW din ang nagsagawa ng hunger strike sa loob ng embahada ng Pilipinas sa Riyadh. Pagkaraan ng ilang araw, inaresto at dinetine sila ng pulisya ng Saudi sa utos mismo ng mga opisyal ng embahada sa pamumuno noon ni Amb. Bahnarim Guinmola.
Para iprotesta ang pag-aresto sa mga nakawelgang manggagawa sa Riyadh, nag-organisa ang Migrante ng kampo ng mga kaanak at kaibigan ng mga OFW sa labas ng opisina ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Pasay City. Pero dinispers din ang kampong iyon ng pulisya ng Pasay, sa utos ni dating OWWA Administrator Virgilio Angelo. Apat na lider ng Migrante ang naaresto noong dispersal.
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=5657














sana namn po bago kayo gumawa ng hakbang alamin muna ninyo ang problema at kung sinu ang may kasalanan,, kami po ng mga mangagawa ng annasban higit kumulang sa 3500 worker,, ay di naniniwala sa mag balita ninyo,,, maawa nmn akyo sa amin nag tatrabaho ng maayos dahil lng sa mga balita ninyo na walng katotohanang,,, salamat po alamin muna ang balita bago isulat,,, kung wala maapektuhan kababayan,,, kaya ako ang nagsasabi ng totoo kasi ,,, matagal na ako nagwowork sa company na ito,,, hinde po totoo ang mga sinasabi nila.maraming salamt po,,,,alm namin maganda ang intensyon nyo,,, at hindi po sila kinulong,,,,
sa totoo binibigyang sila ng magandang trabaho pero todo tangi sila,,, kasi gusto na nila umuwi,,, kaya gumagawa sila ng paraan para makauwi lng,,